Madiskarte: Jeep na mayroong sliding basket para hindi na mag-abutan ng bayad trending online

  • Trending online ang video ng kakaibang diskarte sa jeep para hindi na mag-abutan ng bayad 
  • Mayroong sliding basket sa loob ng jeep kung saan ilalagay ng pasahero ang bayad papunta sa driver
  • Thumbs up naman ang ibinigay ng netizens dahil malaking tulong daw ito sa pagpapanatili ng social distancing

Higit isang taon nang nasa quarantine ang Pilipinas dahil sa pandemya. Lahat ay apektado kabilang ang kabuhayan ng maraming Pilipino.

Isa sa mga napuruhan ng lockdown ay ang pampublikong transportasyon. Noong una, natigil sa pagpasada ang mga mga pampublikong sasakyan dahil sa lockdown. Nang payagan naman silang bumyahe, limatado lamang ang bilang ng maaari nilang isakay.

Larawan mula sa TikTok post ni JR Alcanatara

Gayunpaman, kahit na malaking dagok ang kinahaharap ng mga driver, hindi pa rin sila nauubusan ng diskarte para mapanatiling ligtas ang kanilang mga pasahero. Patunay nito ang isang trending video sa TikTok kung saan naipakita ang pagkamalikhain ng isang tsuper ng jeep para maiwasan ang abutan ng bayad ng mga pasahero.

In-upload ni JR Alcanatara sa kaniyang TikTok account ang video kung saan makikita ang sliding basket ng isang jeep. Imbes na mag-abutan ng bayad ang mga sakay nito, inilalagay na lamang sa basket ang bayad na siya namang hihilahin ng driver patungo sa kanya upang makuha ang bayad. Kung may sukli sa basket na lang din ilalagay at muling papupuntahin ang sisidlan sa pasahero.

Dagdag pa ng uploader, hindi lamang para sa panahon ng pandemya ang ganitong diskarte. Kung bumuti na ang lagay ng bansa, maaari daw itong i-retain ng tsuper para naman sa mga tamad mag-abot ng bayad ng kapuwa pasahero.

“Madiskarte si kuya.Para sa tamad mag-abot ng bayad, gaya ko! May solusyon na,” saad ni JR Alcanatara sa kanyang TikTok post na mayroon nang higit sa 22,000 likes.

Larawan mula sa TikTok post ni JR Alcanatara

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa diskarteng ito. Mas magiging ligtas nga naman ang mga pasahero kung wala nang pasahan ng bayad sa jeep. Maaari kasing pagmulan ng hawaan ang pagpapasa-pasa ng bayad.

Panawagan pa nga ng iba, dapat daw ay gayahin iyo ng iba pang mga jeepney driver para naman maging ligtas din ang mga pasahero nila.


@jralcanataraMadiskarte si kuya. Para sa tamad mag abot ng bayad, gaya ko! May solusyon na. ? ##thinkb4youdo ##tiktoku ##alwayssmile ##foryou ##SkillBuilding? original sound – JJEC Alcantara

Source :

TikTok, TikTok Ph

Loading…