‘Magalang mga pulis, masarap pa ulam’: Pasig PNP Headquarters nakatanggap ng 5-star review mula sa curfew violator

Imahe mula sa Google
  • Ibinahagi ng isang curfew violator ang kaniyang karanasan nang madetine sa Pasig PNP HQ
  • Magagalang daw ang mga pulis at masarap pa ang ulam nila
  • Nagdulot naman ng good vibes ang review ng Google user

Sa hindi inaasahang pagkakataon, binigyan ng 5-star review sa Google ng isang curfew violator ang himpilan ng PNP sa Lungsod ng Pasig.

Bagama’t ginawa ng user ang review siyam na buwan na ang nakararaan, nitong nagdaang araw lamang ito nakatawag ng pansin sa mga social media users.

Screenshot mula sa Google

Ayon sa Google user na si ‘strawboinic gaming’ nahuli siya matapos lumabag sa curfew sa lungsod. Subalit taliwas sa kaniyang inaasahan ang naranasan niya sa loob ng presinto habang nakapiit.

“Was detained overnight because i violated the curfew. The officers in duty were really nice and polite,” bahagi ng netizen.

Bukod sa maluwang daw ang espasyo sa loob, masarap din ang ulam na ipinakain sa kanila. Maliban doon, talagang pinaiiral daw talaga ang physical distancing ng mga inmates.

Screenshot mula sa Twitter

At talagang ang kanin ay hindi lamang basta NFA o yaong bigas ng National Food Authority, turan ng reviewer.

“The jail cell was spacious and they practice social distancing inside although the smell inside wasnt very nice. The food thay they provide is also ok the rice is not NFA and the viand is freshly cooked,” ayon pa kay ‘strawboinic gaming’.

At dahil nga rito, binigyan niya ng 5-star review ang naturang himpilan ng pulisya sa Pasig City.

“Some of the inmates were also friendly. I had a really nice experience in here. 5 stars!” dagdag pa ng kaniyang review.

Nagdulot naman ng good vibes sa Twitter ang review ni ‘strawboinic gaming’. Isa sa mga nag-share ay hindi napigilang iugnay ito sa kalidad ng pamumuno ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Screenshot mula sa Twitter

Aniya, “Ultimo kulungan sa Pasig, Mayor @VicoSotto, 5-star ang review!”

“Why do i feel that pasig is not part of the philippines anymore hahaha 5/5 would recommend ung review ih,” komento naman ng isa pang Twitter user.

Mayroon ding natuwa dahil kahit paano raw ay na-preserve pa rin ang dignidad ng mga taong nahuhuli at nakukulong doon.

Loading…