Mahigit 300 kilos ng karne ng manta ray nakumpiska mula sa crew ng 2 commercial fishing boats

Imahe mula sa BFAR IX News
  • Nakumpiska ng BFAR team ang mahigit 300 kilos ng manta ray meat mula sa dalawang commercial fishing boats
  • Nagtangka pa ang crew ng mga fishing boats na itapon sa karagatan ang mga karne ng manta ray
  • Batay sa Convention on the International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna, Appendix II, ang populasyon ng manta ray ay nauubos na dahil sa walang habas na panghuhuli sa mga ito

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mahigit tatlong daang kilo ng karne ng manta ray mula sa crew ng dalawang commercial fishing boats sa Labason, Zamboanga del Norte.

Imahe mula sa BFAR IX News

Ayon sa BFAR, ang Fisheries Protection and Law Enforcement Group Team-Zamboanga Del Norte ng ahensya, ang mga tauhan ng Philippine National Police Maritime Group at ng Labason Municipal Agriculturist Office ay nagsagawa ng seaborne operations sa karagatan ng Labason noong ika-18 ng Abril.

Habang nagpapatrulya ay naispatan ng team ang dalawang fishing boats na F/B Ron Ron at F/B Lionel James kung saan nadiskubre ang mga karne ng manta ray. Nagtangka pa umano ang mga crew na itapon sa dagat ang mga karne.

“During patrolling, at or about 8:30 am, on the same day, two commercial fishing vessels, namely, F/B Ron Ron and F/B Lionel James, were spotted operating in the vicinity waters of Labason. Upon approaching the fishing boats, the Fishery Enforcers noticed that the fishing boat crew were in the act of slaughtering manta rays and even witnessed some fish workers throwing the manta ray meat overboard in the attempt to hide their crime,” ayon sa BFAR IX News.

Imahe mula sa BFAR IX News

Batay sa Convention on the International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna (CITES), Appendix II, ang populasyon ng manta ray ay nauubos na dahil sa walang habas na panghuhuli sa mga ito.

Ayon sa BFAR, ang mga aquatic species na nakalista sa CITES ay bawal hulihin at ibenta. Ipinagbabawal din ang pagbili at pagmamay-ari ng mga ito.

Ang mga mapatutunayang lumabag ay maaaring patawan ng multang mula P300,000 hanggang P3,000,000 at lima hanggang walong taong kulong.

Imahe mula sa BFAR IX News

Loading…