Mahigit 400 piglets gagamitin bilang ‘frontliners’ kontra ASF

Imahe mula sa DA Communications Group
  • Nagpamahagi ang DA ng 462 sentinel piglets sa mga hog farms sa walong rehiyon sa bansa
  • Kapag naka-survive ang mga sentinel pigs sa loob ng 90-day surveillance period, ang farm ay idedeklara bilang ASF-free at aalisin na sa ASF quarantine status
  • Ang tanging paraan upang magtagumpay ang sentinelling program ay ang mahigpit na pagpapatupad ng biosecurity measures sa mga hog farms

Nagpamahagi ang Department of Agriculture (DA)  ng mahigit 400 piglets sa mga hog farms sa mga lugar na walang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa layuning muling maparami ang bilang ng mga baboy sa bansa.

Imahe mula sa DA Communications Group

Ang mga biik na tinatawag na sentinel pigs ay ipinamahagi sa mga piling hog farms sa walong rehiyon sa bansa upang matukoy kung napuksa na ang virus na sanhi ng ASF.

Sa loob ng 40-day observation period, ang tatlo hanggang limang sentinel pigs ay imo-monitor ng mga personnel mula sa Bureau of Animal Industry at isasailalim sa hindi bababa sa dalawang polymerase chain reaction tests.

Kapag naka-survive ang mga ito sa loob ng 90-day surveillance period, ang farm ay idedeklara bilang ASF-free at aalisin na sa ASF quarantine status.

Ang 462 sentinel pigs na binili ng DA sa mga local hog raisers at pawang mga 60 days old lang ay ipinamahagi sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Davao, Soccskargen at Cordillera.

Ang sentinelling at repopulation program ay sisimulan sa Batangas at sa Benguet, mga probinsya kung saan ang pag-aalaga ng mga baboy ay nananatiling pangunahing kabuhayan ng mga residente.

Imahe mula sa DA Communications Group

“The sentineling is a prelude to the Duterte administration’s swine repopulation program to increase hog production and subsequently stabilize the supply and prices of pork. A science-based approach, the sentinel protocol ascertains if a virus or disease is still present in an area. We will initially implement it in eight regions,” pahayag ni DA Secretary William Dar.

Sinabi pa ng kalihim na ang tanging paraan upang magtagumpay ang sentinelling program ay ang mahigpit na pagpapatupad ng biosecurity measures sa mga hog farms, na pangunahing tungkulin ng mga hog raisers upang hindi makapasok ang ASF virus.

 

Imahe mula sa DA Communications Group

Loading…