Mahigit 600 katao sa Albay na-quarantine matapos ma-expose sa PSA enumerator na COVID+

For illustrative purposes only| Imahe mula sa PNA
  • Naka-quarantine ngayon ang 633 na residente ng Polangui, Albay
  • Sila ay na-expose umano sa tauhan ng PSA na nagpositibo sa COVID-19
  • Dahil dito, nais ni Rep. Salceda na ipahinto muna ang face-to-face data collection ng PSA

Nasa mahigit 600 katao ang naka-home quarantine ngayon sa Albay matapos umanong ma-expose sa data enumerator ng Philippine Statistics Auhtority (PSA) na nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito nais munang ipatigil ni Albay Rep. Joey Salceda ang pagbabahay-bahay at face-to-face data collection na isinasagawa ng mga tauhan ng PSA para sana sa National ID System ng bansa.

Rep. Joey Salceda| Imahe mula sa Facebook

Ayon kay Salceda, umabot na sa 633 na residente sa bayan ng Polangui, Albay ang napilitang mag-home quarantine matapos makasalamuha nila ang isang data enumerator ng PSA na COVID-positive.

“If an infection is confirmed, the enumerator would have been a super-spreader,” ani Salceda sa kaniyang sulat sa PSA.

Sa nasabing sulat ay nasa 400 pa lamang ang kumpirmadong na-quarantine subalit nitong Martes ay ibinahagi ni Salceda na nasa 633 katao na ito.

Imahe mula sa Twitter

“Even if a super-spreader event does not take place, the protocols have forced contacts of the enumerator to quarantine, interrupting their livelihoods,” dagdag pa ng mambabatas.

Bukod dito, maging ang mga tauhan mismo ng PSA ay nalalagay rin sa panganib ang kalusugan dahil maaari silang mahawahan din ng COVID. Kung talaga raw kailangang gawin ang pagbabahay-bahay ay kailangang mabakunahan muna ang mga data enumerator.

Kaugnay nito, umapela ang kongresista sa ahensiya na gumawa ng paraan nang hindi nalalagay sa peligro ang kanilang tauhan pati na ang mga residente na kanilang binibisita.

For illustrative purposes only| Imahe mula sa PNA

“While I support the National ID system and completing it as soon as possible to help distribute necessary social programs, we should conduct data gathering activities in ways that do not endanger the lives of our citizens,” ayon pa kay Salceda.

Pormal na naisabatas ang National ID System noong Agosto 2018 at layunin ng PSA na matapos ang mass registration sa kalagitnaan noong 2020 subalit naapektuhan ang pagpapatupad ng programa dahil sa COVID-19 pandemic.

Loading…