Manila LGU nagpadala ng food packs sa mga dating residente ng lungsod na na-relocate sa Cavite at Bulacan

Imahe mula sa Manila PIO
  • Nagpadala ng mga food boxes ang Manila LGU sa mga dating residente ng Maynila na na-relocate sa Cavite at Bulacan
  • Umabot sa 2,850 food boxes ang naipadala sa Pandi at Norzagaray sa Bulacan at sa Naic, Cavite
  • Inihahanda na rin ng Manila LGU ang ika-apat na buwang ayuda para sa mga Manilenyo na inaasahang maipapamahagi sa ikalawang linggo ng Mayo

Nagpadala ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila sa mga dating residente ng lungsod na na-relocate sa Cavite at Bulacan.

Imahe mula sa Manila PIO

Ayon na Manila Public Information Office (PIO), sa ilalim ng COVID-19 Food Security Program ng lungsod ay nakapagpamahagi na ng 2,850 food boxes ang mga tauhan ng Department of Public Services (DPS) sa mga dating residente na nailipat sa ibang probinsya.

Eight hundred food boxes ang naipamahagi sa Naic, Cavite noong ika-21 ng Abril. Noong April 23 naman ay 1, 400 food boxes ang nai-deliver ng DPS sa Pandi, Bulacan at 650 food boxes sa mga na-relocate sa Norzagaray, Bulacan.

Ang bawat kahon ay naglalaman ng tatlong kilong bigas, labing-anim na de lata at walong sachet ng kape.

Sinabi pa ng Manila PIO na simula nang ilunsad ang COVID-19 Food Security Program noong Pebrero ay buwan-buwang nabigyan ng mga food boxes ang halos 700,000 pamilya  sa 896 barangay sa Lungsod ng Maynila.

“It’s delivery for Manila residents this month—it’s third straight month of implementation—was completed on April 20. Preparations are now underway for the FSP deliveries in May,” pahayag ng Manila PIO.

Imahe mula sa Manila PIO

Samantala, inihahanda na rin ang ika-apat na buwang ayuda sa buwan ng Mayo para sa mga Manilenyo.

Sinabi ni Mayor Isko Moreno na sinisimulan na ang pagre-repack ng mga food boxes at inaasahang maipapamahagi ang mga iyon sa ikalawang linggo ng Mayo.

Imahe mula sa Manila PIO

Loading…