‘Mannequins for dad bods’ kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang mga mannequin sa isang larawan
  • Sa halip na mga macho o maskulado, ang mga ito ay nagpapakita ng ‘dad bod’
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Sa karaniwang pamantayan ng kagandahang idinidikta ng lipunan, masasabing ‘sexy’ ang isang babae kapag balingkinitan ang kaniya pangangatawan, tipong 24-24-24 ang vital statistics. Sa lalaki naman, kailangang maskulado, mapipintog ang mga braso, at may ‘pandesal’ o abs sa tiyan.

Ngunit habang nagiging moderno ang panahon, naiiba na rin ang ‘preference’ ng tao. Sa ngayon, nauuso ang terminong ‘dad bod’ sa mga lalaking may kalusugan ang pangangatawan, kumbaga ay may kalakihan ang tiyan, chubby, at huggable. Kaya naman, kinaaliwan sa Facebook page na ‘Teachers Be Like’ ang larawan ng mga mannequins na nagpapakita sa pigura ng isang dad bod (daddy’s body).

Imahe mula sa Facebook page ng Teachers Be Like

“DepEd Philippines, sana po gumamit din kayo ng ganitong mannequins para may idea na kami,” pabirong caption ng post, na pumapatungkol sa posibleng pagkakaron ng panukala sa pagpapalit ng uniporme ng mga pampublikong guro sa darating na taong pampanuruan.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Agree. Puro mga sexy at macho mga pinagmomodelan nila. In reality more more lafang naman tayong mga cher. More stress eating, more fun. Ganern,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Oo tama iyan. Kasi kadalasan, ang ginagawa nilang modelo ay yung mga katawan na para lamang sa fantasy, which is not realistic, kasi ang totoo niya, nagkakalaman at lumalaki ang katawan ng isang tao, lalo na at nasa bahay lang. Mas okay nga na may mga ganyang mannequins para at least makita na namin.”

“Unfair naman iyan sa aming mga babae! Dapat magkaroon din ng mga mannequins para naman sa aming mga babae, para nakikita rin namin ang mga posibilidad,” wika naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page ng Teachers Be Like

Ang mga pampublikong guro ay nakatatanggap ng kanilang uniform allowance kaya naman malaking bagay talaga na makita ang disenyo ng kanilang mga pamasok araw-araw, kahit na sila ay naka-online at hindi pumapasok nang pisikal sa paaralan.

Source :

Facebook

Loading…