Mayor Vico nakiusap sa constituents na ‘wag nang ipadala sa kaniya ang larawan ng mga ‘nabakunahan sa puwet’

Imahe mula sa Facebook
  • May pabirong panawagan si Mayor Vico sa kaniyang mga constituents
  • Kung maaari daw ay huwag nang i-send sa kaniya ang kanilang picture kapag sa puwet nabakunahan
  • Huwag na daw sanang idagdag pa ang ‘puwet’ sa mga iniisip niya

Hindi maitatatwa na isa si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga hinahangaang alkalde sa bansa ngayon, hindi lamang dahil sa kaniyang epektibong pamumuno kung hindi sa pati na rin sa pagkakaroon niya ng ‘konek’ sa bagong henerasyon ng kabataan ngayon.

Dahil anak ng isang komedyante, hindi rin talaga mawawala sa dugo ni Mayor Vico ang paminsan-minsan ay magpatawa sa pakikipag-ugnayan sa kaniyang mga constituents; bagay na lalong nagpalapit sa kaniya sa mga tao.

Screenshot mula sa Facbook Live

Pinatunayan ito ng alkalde sa kaniyang Facebook Live nitong Lunes kung saan pinasaya ng batang alkalde ang kaniyang mga followers sa social media.

Nakiusap kasi nang pabiro si Mayor Vico na kung maaari ay huwag nang ipadala pa sa kaniya ang mga larawan ng mga ‘nabakunahan’ sa puwet para lamang mapatunayan na sila nga ay naturukan na ng COVID vaccine.

Imahe mula kay Mayor Vico Sotto

Bagama’t natutuwa daw siya kapag may nagse-send sa kaniya ng mga katulad na pictures, sana naman daw ay huwag na iyong nasa maselang bahagi ng katawan pa

“Nabanggit ko nga kanina may nagse-send sa akin ng pictures. Minsan kasi kapag may tattoo, bawal magpaturok sa braso,” bahagi ng akalde.

“Hindi pwede sa tattoo side magpa-injection, so minsan may nagpapadala sakin, nakadalawa na ‘ata, picture nila na nabakunahan sa pwet,” patuloy pa nito na natatawa na.

Bagama’t normal naman daw ito sa usapang medical, may pakiusap pa rin si Mayor Vico.

“Okay lang naman mabakunahan sa pwet. Normal ‘yan, medical naman ang usapan e pero pakiusap ‘wag ninyo na po i-send sa akin. Ang dami ko na pong iniisip ‘wag ninyo na po idagdag pwet ninyo sa iniisip ko,” patuloy na pinipigil na lang ang sarili na tumawa.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Vico Sotto

Pero kapag sa braso lang daw ang bakuna ay okay lang ipadala sa kaniya ang pictures, dagdag pa ng opisyal.

Kaugnay nito, nagpaalala rin si Mayor Vico na kailangang magpa-schedule muna ang mga magpapabakuna at hindi puwede ang walk-in. Ito ay upang maiwasan ang maraming tao at mapanatili ang physical distancing.

I-click ang imahe upang mapanood ang Facebook Live ni Mayor Vico:

Loading…