MECQ hindi pa dapat alisin hangga’t hindi napapanatili nang matagal ang mababang COVID-19 reproduction rate

Imahe mula sa CNNPH
  • Nagbabala ang OCTA Research Group laban sa pagluluwag ng community quarantine classification sa NCR+ areas
  • Bago magluwag ay dapat umanong manatiling mababa ang COVID-19 reproduction rate sa loob ng ilang linggo
  • Sa kasalukuyan, 0.98 ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila

Nagbabala ang OCTA Research Group sa pamahalaan laban sa pagluluwag ng community quarantine sa NCR+ areas hangga’t hindi napapanatiling mababa ang COVID-19 reproduction rate sa loob ng ilang linggo.

Imahe mula sa Manila PIO

Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilis ng pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa OCTA Research Group member na si Fr. Nicanor Austriaco, isang Filipino-American molecular biologist at Catholic priest, ang COVID-19 reproduction rate sa Metro Manila ay dapat manatili nang mas mababa sa 1 sa loob ng ilang linggo bago magluwag sa ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

“We urge the national government as one possible benchmark for changing quarantine levels is not to exit the MECQ until at least the reproduction rate is less than 0.9 in a sustained manner,” sabi ni Fr. Austriaco sa isang virtual conference.

Sa kasalukuyan, 0.98 ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ang reproduction rate sa NCR+ noong Marso ay nasa 1.98 kaya idineklara ang ECQ mula March 29 hanggang April 11. Ibinaba ito sa MECQ noong April 12 at matatapos ito hanggang April 30.

Imahe mula sa Advocate Philippines

Nananatiling unstable ang reproduction rate sa Metro Manila dahil hindi lahat ng local government units (LGUs) ay nakapagtala ng pagbaba ng bilang ng mga COVID-19 cases, ayon kay Fr. Austriaco.

“So you always have the possibility that as some of the LGUs recover, there will be an outbreak in other LGUs that may spill over to the adjacent LGUs,” paliwanag niya.

Screenshot mula sa video ng CNN PH

Sinabi naman ni Prof. Ranjit Rye, na isa ring miyembro ng OCTA Research Group, kailangang makita muna nila ang mga datos sa susunod na linggo bago sila gumawa ng pinal na rekomendasyon sa quarantine classification para sa buwan ng Mayo.

Source :

GMA , CNNPH

Loading…