Mensahe ni James Yap sa 14th birthday ni Bimby simple, pero puno ng pagmamahal

Imahe mula sa Instagram account ni James Yap
  • Maiksi ngunit puno ng pagmamamahal ang birthday message ni James Yap kay Bimby
  • Si Bimby  o James, Jr. ay anak niya kay Kris Aquino
  • Nagdiwang ng 14th birthday si Bimby ngayong Lunes, April 19

Sa pamamagitan ng social media ay binati ng Philippine Basketball Association (PBA) star na si James Yap ang anak niya kay Kris Aquino na si James, Jr. o Bimby na nagdiwang ng 14th birthday nito ngayong Lunes, ika-19 ng Abril.

Imahe mula sa Instagram account ni James Yap

Maikli at simple lang ang mensahe ng basketbolista mula sa Rain or Shine Elasto Painters PBA Team, pero ramdam ang pagmamahal nito sa anak.

“Happy 14th Birthday Bimb. I Love you no matter what! Wishing you all the best that life can offer. God bless you ,” pagbati ni James kay Bimby.

Base sa mga naunang posts ni Kris Aquino sa social media, umabot na sa six feet ang taas ni Bimby na siguradong sa ama namana. Ang height ni James Yap ay 6 feet 2 inches.

Sa isang panayam noong nakaraang taon, sinabi ni James Yap na nagulat siya na matangkad na ang anak.

“Ang tangkad na nagulat din ako. Last time ko siya nakita maliit pa, kaya nakakagulat ang tangkad na ngayon,” sambit noon ni James.

Imahe mula sa Instagram account n i Kris Aquino

Bilang tatay, gusto rin ni James na sumunod si Bimby sa mga yapak niya bilang basketball player, pero kahit ano raw ang gusto ng anak ay susuportahan niya.

“Ako kasi kung ano ang gusto niya maging suporta lang ako. Pero, halimbawa sabihin turuan ko siya or hingi siya ng advice, OK sa akin yun… suporta pa rin tayo. Of course gusto din natin may sumunod sa yapak bilang tatay. Pero kung iba ang gusto, ‘yun na nga suporta lang tayo,” aniya.

Screenshot mula sa Kris TV video

Si James at Kris ay ikinasal noong 2005, ngunit na-annul ang kasal nila noong 2012. Si Bimby ang nag-iisa nilang anak.

Loading…