Metro Manila mayors irerekomenda ang ‘flexible MECQ’ sa NCR

Imahe mula sa PNA
  • ‘Flexible MECQ’ ang posibleng susunod na quarantine status sa NCR
  • Ito raw ang naging rekomendasyon ng Metro Manila mayors sa IATF
  • Ang ‘flexible MECQ’ ang ‘middle ground’ sa pagitan ng MECQ at mas maluwag na GCQ

Inirekomenda na ng mga alkalde sa Metro Manila na gawing ‘flexible MECQ’ ang quarantine status sa National Capital Region (NCR) simula sa buwan ng Mayo.

Nitong Abril 30 ay magtatapos na ang dalawang linggong modified ECQ sa Metro Manila at karatig-lalawigan na ipinatupad upang makontrol ang pagdami ng nahawahan ng COVID-19 sa rehiyon.

Imahe mula sa MMDA

Ayon sa panayam kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, napagkasunduan na ng mga Metro Manila mayors na irerekomenda nila ang pagpapatupad ng ‘flexible MECQ’ kung saan magkakaroon ng konting luwag para makapagbukas ang mga negosyo.

“Ang napagkasunduan ng mga alkalde ay parang flexible MECQ. Ang tawag lang nito MECQ with additional business opening,” paliwanag ni Abalos.

Bukod dito, simula sa Mayo 1 ay paiiklian na rin ang curfew mula sa dating 8pm-5am at gagawin na lamang itong 10pm-4am.

Imahe mula sa PNA

Tinawag ring ‘middle ground’ ni Abalos ang ‘flexible MECQ’ sa pagitan ng MECQ at mas maluwag na GCQ dahil magkakaroon na ng ‘breathing spell’ ang mga negosyo subalit napapanatili pa rin ang border control at ‘mobility’ ng mga tao.

Ang desisyong ito ng mga alkalde ay base umano sa pagtitimbang mula sa payo ng mga health experts at economic managers.

Bagama’t nag-aalala ang mga health experts na posibleng tumaas na naman ang COVID cases, nakababahala rin umano ang gutom at kawalan ng trabaho ng mga mamamayan.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Naisumite ng Metro Manila mayors ang kanilang rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na siya namang magpepresinta nito sa Malakanyang bago ibaba ang desisyon.

Kaugnay nito, hinihintay na rin ng IATF ang guidelines mula sa Department of Trade and Industry (DOT) para sa mga negosyong papayagang magbukas sa ilalim ng ‘flexible MECQ’.

Loading…