Mga aso at pusang natutulog nang sama-sama sa kama naghatid ng saya

  • Natuwa ang mga netizens sa mga larawang ibinahagi ng isang fur parent
  • Magkakasamang natutulog sa kama ang kaniyang mga fur babies na pet dogs at pet cats
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Sabi nga, ‘A family that prays together, stays together.’ Sa mga alaga naman na maituturing na miyembro rin ng pamilya, paano kung ang mga pet dogs at pet cats ay malayang natutulog at nagpapahinga nang sama-sama sa iisang kama?

Iyan ang good vibes na hatid ng mga larawang ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Maria Gianne Siochi, sa kinabibilangang Facebook page na ‘ASPIN LOVERS PHILIPPINES.’

Makikita kasi sa mga larawan na mahimbing na natutulog nang sama-sama sa iisang kama ang kaniyang mga ‘anak,’ ang mga alagang aso at pusa, na karaniwan nang ipinagpapalagay na ‘mortal na magkaaway.’

Imahe mula sa Facebook account ni Maria Gianne Siochi / ASPIN LOVERS PHILIPPINES

“Ang mga batang mababait, natutulog nang maaga,” saad sa kaniyang caption. Ang nakatutuwa rin sa kaniyang mga pet dogs at pet cats, may sariling customized pajama ang mga ito. Talaga namang ang nakatutuwa silang tingnan at nakapagpapapawi ng pagod!

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ang babait nman nila, kasama nila pati sina Miming matulog sa kama. Magandang i-train ang mga aso at pusa na makasalamuha ang isa’t isa para walang away, hindi ba?” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “Sana all kahit na magkakatabi ay hindi nag-aaway-away! Magaling yung fur parents nila, kasi na-train nila ang mga fur babies nila na magsama-sama at hindi mag-away-away. Mas maganda nga namang makitang peaceful ang mga alaga.”

“Nakakatuwa naman at talagang alagang-alaga sila ng kanilang fur parent! Sana pati mga tao, ganyan din!” saad naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Maria Gianne Siochi / ASPIN LOVERS PHILIPPINES

Sabi naman ng isa, “Ganyan din ang mga alaga namin. Mga bata pa lamang sila, talagang sinanay na namin silang magkakasama, kaya wala na silang isyu sa isa’t isa. Hindi sila nag-aaway-away, so walang gulo sa aming bahay hahahaha.”

Nakakatuwang senaryo ito sa bahay, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…