Mga aso nakiuso; naki-community paw-ntry din sa tindahan ng dog food

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang mga stray dogs na nanginginain ng dog food sa isang tindahan
  • Ayon sa isang netizen na nakakita sa kanila, nagmistulang ‘community paw-ntry’ ang naturang dog food store
  • Ang community paw-ntry ay unang ginamit at isinagawa ng PAWS

Kung may isang lalaking napabalitang napagkamalang community pantry ang isang tunay na tindahan, hindi naman pahuhuli riyan ang mga namataang pet dogs na tila sarap na sarap sa pagkain ng mga naka-display na dog food sa isang tindahan nito.

Basahin: Netizen napagkamalang community pantry ang isang tindahan

Ayon sa Facebook post ng nakakita nito na si Juancho Delarosa sa page na ‘ASPIN LOVERS PHILIPPINES,’ tila raw ba nasa ‘community paw-ntry’ ang naturang mga pet dogs. Ang salitang paw-ntry ay word coinage ng salitang ‘paw’ na tumutukoy sa mga pets at pantry, kung saan nauuso ngayon ang community pantry.

Imahe mula sa Facebook account ni Juancho Delarosa/ASPIN LOVERS PHILIPPINES

“Community Pantry yan?” patawang caption ng netizen.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens.

“Sabi nga, be kind to animals, oo business yan,  sana ganyan lahat ng may tindahan ng dog food, hindi nila sasaktan mga asong kalye na kumakain ng paninda nila bagkus hinahayaan lang nilang kumain, o kaya naman bigyan na lang nila sa isang tabi para hindi makaistorbo, nagugutom din ‘yan. God bless sa sa may-ari!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Magaling mga babies ‘yung mahal talaga ang pinili hehehe pakabusog kayo.”

“This hurts me. Imagine their own struggle on the streets. Then they found something to eat, which was made for them originally, and lots of other dogs are privileged to experience/eat, but they can’t, cause they’re stray dogs and need to follow the humans, for they don’t have an owner to buy it for them,” saad naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Ang kukulit at ang ku-cute nila, kain lang babies! May God bless the store owner always!”

Basahin: Community ‘PAW-ntry’ para naman sa pangangailangan ng mga hayop, inilunsad

Sa kasagsagan ng pagsulpot ng mga community pantries, naglunsad naman ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ng ‘community paw-ntry’ para sa mga stray dogs at cats.

Imahe mula sa Facebook page ng PAWS

“The PAWS Animal Rehabilitation Center (PARC) is located along Aurora Blvd, Katipunan Valley, Loyola Heights, QC. The Community PAW-ntry table will be there for as long as we have extra supplies to give from 8am to 5pm every day except Sundays and holidays,” saad sa kanilang Facebook post.

Samantala, isang fur parent naman ang nagsagawa ng kaniyang community paw-ntry para sa ikaanim na buwang kaarawan ng kaniyang fur baby na si Panda.

Pet ayuda inilunsad ng isang fur parent sa kaarawan ng kaniyang alaga

Loading…