Mga empleyado ng Coca Cola, Pepsi sa bansa makatatanggap ng libreng COVID vaccine

Imahe mula sa Coca Cola/ Pepsi
  • Libreng makatatanggap ng COVID vaccine ang mga empleyado ng Coca Cola sa bansa
  • Maging ang Pepsi ay mamamahagi rin ng libreng bakuna sa kanilang mga empleyado
  • Ang CCBPI at PCPPI ay dalawa sa pinakamalaking employer sa bansa

Babakunahan ng libreng COVID-19 vaccine ang lahat ng empleyado sa bansa ng dalawang higanteng softdrik company na Coca Cola at Pepsi.

Sa inilabas na pahayag ng Coca-Cola Beverages Philippines Inc. (CCBPI), inanunsiyo ng kumpanya ang malawakang vaccination program para sa kanilang 10,000 empleyado at trabahador.

Kabilang na rin sa mababakunahan ang immediate family members ng mga empleyado.

“Our People-First commitment means that we are responsible for our employees and their families especially during these most challenging times,” ani CCBPI president at CEO Gareth McGeown.

Imahe mula sa BW Online

Ayon pa kay McGeown, naging malaking hamon sa kanila ang taong 2020 subalit nalampasan nila ito at umaasa silang ganito rin ang mangyayari ngayong taon.

“Our biggest achievement is that we did not have to let anyone go because of the pandemic,” ayon sa boss ng CCBPI, na isa sa pinakamalaking employer sa bansa.

Sa kasalukuyan umano, naglaan na ang kumpanya ng nasa P2-B pondo bilang suporta sa mga empleyado upang matiyak na ang lahat ay makatatanggap ng kanilang sahod ngayong pandemya.

Samantala, maging ang Pepsi-Cola Products Philippines Inc. (PCPPI) ay bumili na rin ng COVID vaccine na ipamamahagi nila ng libre sa mga empleyado na boluntaryong magpapaturok nito.

Imahe mula sa PCPPI

“Providing free vaccines is essential to a healthy and safe working environment at PCPPI.  The inoculation will be voluntary but we highly encourage everyone to be vaccinated,” ani PCPPI president at CEO Frederick D. Ong

“This is to show gratitude to our employees who have all worked hard during the pandemic,” dagdag pa ni Ong.

Umorder na ang PCPPI ng 20,000 doses ng bakuna at ang kalahati nito ay ibibigay sa gobyerno bilang donasyon.

Ang vaccination program ng PCPPI ay kasali sa “Dose of Hope” na programa ng pribadong sektor sa pangunguna ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.

Loading…