Mga ‘epal’ politicians bawal sa mga community pantries – DILG

Screenshot mula sa Facebook post ni Councilor Vince Hernandez
  • Naglabas ang DILG ng guidelines para sa mga community pantries
  • Isa sa mga guidelines ay ang pagbabawal sa mga “epal” politicians sa mga community pantries
  • Ang mga epal na politiko ay ang mga mahihilig magbalandra ng kanilang pangalan at litrato sa mga proyekto

Naglabas ng guidelines ang Department of Interior and Local Government (DILG) hinggil sa pagsasagawa ng community pantry upang tulungan ang mga organizers ng mga ito na mapanatili ang kaayusan at upang maiwasan na rin ang pagkakahawahan ng COVID-19.

Imahe mula sa PNA

Isa sa mga guidelines ay ang pagbabawal sa mga “epal” politicians sa mga community pantries. Ang mga epal na politiko ay ang mga mahihilig magbalandra ng  kanilang pangalan at litrato sa mga proyekto.

“Hindi namin papayagan na magkakaroon ng epal o tinatawag nating maglalagay ng mga signage, billboards, posters, pictures, pangalan, initial or images ng mga tao na nagsasagawa ng community pantry, lalo na mga politicians na gusto pumapel dito sa community pantry,” pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año sa isinagawang public briefing noong Miyerkules, April 28.

Binigyang-diin din ng kalihim na hindi kailangan ang permit para sa pagsasagawa ng community pantry, subalit kailangang may koordinasyon sa pagitan ng organizers at local goverment units (LGUs) upang makasunod sa mga batas o ordinansa na ipinaiiral sa lugar.

Ang LGUs dapat ang tutukoy ng venue para sa community pantry upang matiyak na maaabot ang mga komunidad na nangangailangan.

Screenshot ng Facebook post ni Councilor Vince

“Dapat ang venue na ito doon mismo sa nangangailangan na lugar, purok, sitio, o barangay,” aniya.

Dapat ring tumulong ang LGU sa community pantries para makakuha ng mga local suppliers, pagtatalaga ng mga security personnel para mapanatili ang kaayusan at gumawa ng sistema upang maabot ang mga residente sa malalayong lugar at maiwasang lumabas ang mga senior citizens sa kanilang tahanan.

Ipinaalala ni Sec. Año na bawal sa community pantry ang pagbibigay ng sigarilyo, alak at iba pang ipinagbabawal na bagay.

Imahe mula sa Facebook

Loading…