Mga health care frontliners sa low-risk areas iminungkahing ipadala sa Metro Manila

Screenshot mula sa UNICEF Philippines video
  • Iminungkahi ng OCTA Reseasrch Group sa gobyerno na ipadala sa NCR ang mga health care workers mula sa mga low-risk areas
  • Sinabi ni OCTA member Professor Ranjit Rye na marami namang nurses mula sa ibang probinsya ang handang maipadala sa Metro Manila
  • Hinikayat din ng grupo ang pamahalaan na palawigin ng isang linggo ang ipinaiiral na enhanced community quarantine sa NCR+ na matatapos na sa Linggo, April 4

Iminungkahi ng OCTA Research Group sa pamahalaan na ipadala sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila ang mga medical frontliners na nasa mga low-risk areas upang tumulong sa mga kapwa health care workers dahil sa patuloy na pagdami ng COVID-19 cases sa rehiyon.

Imahe mula sa PTV

“We urge the national government to consider transporting nurses and other health care workers from low-risk regions in the country to the NCR to assist their colleagues who are struggling with the ongoing surge in the capital,” pahayag ng grupo sa isang virtual forum.

Ang suhestyon ay ginawa ng OCTA Research Group sa habang ang NCR at mga kalapit na probinsya ay patuloy na nakikipagbuno sa pagdami ng mga COVID-19 infections kung saan maraming pagamutan na ang nagdeklara ng “full capacity.”

Ilang mga pagamutan na rin ang umapela sa Department of Health na dagdagan ang napapagod na nilang health care workers dahil sa dami ng mga COVID-19  patients na dinadala sa kanilang pasilidad.

Sinabi ni OCTA member Professor Ranjit Rye na marami namang nurses mula sa ibang probinsya ang handang maipadala sa Metro Manila.

Imahe mula sa DW

“I am told that a lot of nurses and health care workers in other places around the country… in the regions near NCR, are willing. What seems to be unanswered is how they will be compensated and where they will stay. But I am sure that the Department of Health will sort that out,” aniya.

Hinikayat din ng grupo ang pamahalaan na palawigin ng isang linggo ang ipinaiiral na enhanced community quarantine sa NCR+ na matatapos na sana sa Linggo, April 4.

Loading…