Mga mag-aaral sa San Juan City makatatanggap ng libreng gadgets para sa distance learning

  • May matatanggap na tablets at laptops ang mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa San Juan City
  • Para ito sa distance learning para sa susunod na taong pampanuruan
  • Ang isusunod naman daw ay maayos at malakas na internet connection

Ibinida ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga gadgets na tablet at laptop mula sa Department of Information and Communications Technology o DICT na libreng ipamamahagi sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa naturang lungsod.

Makikita mismo sa Facebook post ng alkalde ang kaniyang pag-iinspeksyon sa mga gadgets na ito, na tiyak na makatutulong para sa distance o online learning, lalo’t mukhang malabo pang maibalik sa face-to-face ang mga klase dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Francis Zamora

“Ang mga mag-aaral na Grade 3-6 mula sa Pinaglabanan Elementary School ay makatatanggap ng laptops at pocket wifi bilang napiling pilot school sa digital learning program ng DICT. Samantalang ang lahat ng K-12 na mag-aaral kasama ang nasa SPED mula sa public schools ng lungsod ay makatatanggap naman ng tablets,” ayon sa post.

“Ang mga gadgets pong ito ang siyang magagamit ng ating mga mag-aaral habang sila po ay naka-enrol sa ating mga San Juan public schools sa mga susunod na school years.”

Upang matupad ang kaniyang pangako sa mga mag-aaral na San Juaneño na nasa mga papmpublikong paaralan, may kabuoang 12,500 tablets, 1,000 laptops at 1,000 pocket WiFis ang naturn over ng DICT sa lokal na pamahalaan ng San Juan. Ibinahagi ito sa isa pang Facebook post.

“I am very happy to finally complete the turn over of all the promised gadgets to our students who patiently waited. We hope that these gadgets will make it easier for them to adjust to the new normal mode of education. This is not the end of our support to our beloved students in this time of the pandemic,” ani Mayor Zamora.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Francis Zamora

“The tablets and laptops are ready for distribution to the students. The schools will start releasing the laptops and tablets by tomorrow. Our plan is to distribute 100 gadgets per hour. It may take 2-3 days to fully disburse all tablets and laptops to the students depending on the population of the school,” dagdag pa niya.

Matapos daw ang pamamahagi ng gadgets, ang susunod naman daw ay maayos at malakas na internet connection.

“Expect more announcements in the coming days, this time regarding internet connection for their online education.”

Isa itong napakagandang proyekto ng lokal na pamahalaan ng San Juan! Pagbati, Mayor Zamora!

Loading…