Mga mangingisda nag-donate ng huling isda sa community pantry sa QC

Image by Pamalakaya Pilipinas via Twitter
  • Mga mangingisda, ibinigay ang mga huling isda sa Maginhawa-inspired community pantry sa Quezon City
  • Ang sektor ng mga mangingisda ang isa sa pinakamahirap sa lipunan
  • Humakot ng papuri mula sa mga mamamayan ang ginawang ito ng mga mangingisda

Isa ang sektor ng mga mangingisda sa pinakamahihirap na sektor sa ating lipunan pero hindi ito naging balakid para magbigay sila ng kanilang ambag sa mga community pantry na nagsisilitawan ngayon. Patunay lamang ito na nariyan pa rin ang kabutihan at pagkakaisa para matulungan ang bawat isa ngayong may pandemya.

Image by Pamalakaya Pilipinas via Twitter

Ibinahagi ng Pamalakaya Pilipinas sa kanilang Twitter account kamakailan ang litrato ng mga mangingisda na may mga bagong huling isda. Anila, ibabahagi nila ang mga nahuli sa mga Maginhawa-inspired community pantry sa Quezon City.

“ADVISORY: Fishers will donate their fresh and surplus produce to a Maginhawa-inspired community pantry in Quezon City later,” ang mababasa sa post.

Umani naman ito ng papuri mula sa mga netizens. Komento ng isa, “Nakakaiyak naman ‘to huhuhu sa mga nagdo-donate sana i-consider nila sa farmers at fishermen na lang sila bumili para makatulong and mas safe instead of just canned goods.”

Isa pang komento, “The overwhelming support of the public to these community pantries is so heartwarming. Even in the dark phase, we know we can still do something for each other.”

Nagsimula sa Maginhawa community pantry, nagsulputan na ngayon ang mga community pantries sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas. Dito, may mga pagkain, face shield, sabon at iba pa na nakalagay at pupuwedeng manguha ang mga mamamayan batay sa pangangailangan at ‘yung mga may kaya naman ay magbigay naman batay sa kakayahan.

Image by Pamalakaya Pilipinas via Twitter

BASAHIN: Netizen na may ideya ng community pantry sa QC, hinimok ang lahat na pagkatiwalaan ang masa

Ani Ana Patricia Non na nagpasimula sa kawanggawa, “Ang daming inquiries and doubts tungkol sa honesty at ugali ng mga tao baka raw pakyawin ng isa o di talaga mga mahihirap ang kumuha.

“Valid naman ang concern (hehe salamat po). Pero tingin ko po maganda kung mag-integrate tayo sa basic masses para makilala natin sila. Para matanggal natin sa isip natin na ganid sila o mapanglamang (focus tayo sa mga tunay na ganid at may utang sa mamamayan!).”

Imahe mula sa Facebook account ni AP Non

Loading…