Mga paring tech-savvy ginagamit ang TikTok para maabot ang mga young believers

Screenshot mula sa TikTok
  • Mga tech-savvy na Catholic priests gumagamit ng TikTok para maabot ang mga kabataang mananampalataya
  • Ayon sa mga pari, kailangang sumabay ang simbahan sa takbo ng panahon
  • Sinabi ni Bishop Broderick Pabillio ng Archdiocese of Manila na ang paggamit ng social media upang maiparating ang mga religious messages sa mga mananampalataya ay hindi na mawawala kahit matapos na ang pandemya

Apektado ang mga simbahan sa mga restriksyong ipinatutupad ng pamahalaan upang masupil ang pagkalat ng COVID-19. Sa ngayon ay limitado ang bilang ng mga tao na nakakapagsimba. Ang mga kabataan na ang edad ay 17 pababa ay hindi pinapayagang lumabas.

Imahe mula sa PNA

Upang patuloy na maibahagi ang salita ng Diyos, ilang mga paring Katoliko ang gumagamit ng teknolohiya upang maabot ang mga kabataan.

Ilan sa mga Catholic priests ay gumagamit ng social media upang hindi maputol ang kanilang komunikasyon sa mga kabataang mananampalataya.

Sina Fr. Paul Woo, Fr. Fiel Pareja at Fr. Luciano Felloni ay pare-parehong gumagamit ng TikTok para kumonekta sa mga young believers.

Sabi ni Fr. Paul Woo, minsan ay mahirap kunin ang atensyon ng mga kabataan dahil abala ang mga ito sa mga games at mga kaibigan. Aniya, dapat makisabay ang simbahan sa takbo ng panahaon.

“The church really needs to keep up with the times. There are many creative ways how we can reach out to people, especially now that we are given the gift of digital technology,” ani Fr. Woo.

Fr. Paul Woo/Screenshot mula sa TikTok

Si Fr. Fiel Pareja naman, na binansagang Father TikTok ng kanyang mahigit 1.6 million followers, ay masaya dahil sa pamamagitan ng TikTok ay natutugunan niya ang mga spiritual needs ng mga mananampalataya.

“I believe social media can help us reach out to the youths of today. It’s a never ending preparation and content creation. But this makes me happy and fulfilled knowing that people get their spiritual needs met,” aniya.

F. Fiel Pareja/Screenshot m ula sa TikTok

Si Fr. Luciano Felloni naman na isang Argentine priest na mahigit 20 years na sa Pilipinas ay nangangamba na unti-unti nang nawawala ang interes ng mga kabataan sa simbahan. Aniya, ang TikTok at iba pang social media platforms ay naging importanteng kasangkapan upang mapanatili na makabuluhan ang simbahan.

Nagsimula si Fr. Felloni na mag-post ng video sa Facebook noong 2016, pero gumagamit na rin siya ngayon ng TikTok.

“You cannot find them anymore in Facebook . They left already because Facebook has been taken over by the grandmothers and their mothers,” aniya.

“People are really looking for God. That’s what I realized on social media,” sabi pa ni Fr. Felloni na nakilala noon sa kanyang “AlmuSalita” videos.

Fr. Luciano Felloni/Screenshot mula sa TikTok

Ayon kay Bishop Broderick Pabillio ng Archdiocese of Manila, ang paggamit ng social media upang maiparating ang mga religious messages sa mga mananampalataya ay hindi na mawawala kahit matapos na ang pandemya.

“We’ve already had a taste of its use and we have seen its capability,” aniya.

 

Loading…