Mga patok na meryenda noon bet pa ba ng kabataan ngayon?

  • Natakam ang mga netizens sa mga larawan ng iba’t ibang meryenda sa isang Facebook page
  • Karamihan dito ay gawa sa saging, mais, at kamoteng kahoy
  • Naitanong kung ‘bet’ o gusto pa ba ito ng kabataan sa kasalukuyan

Isa sa mga paboritong meals ng mga Pilipino ang meryenda. Kadalasan itong ginagawa sa pagitan ng 10:00 ng umaga at bandang 4:00 ng hapon. Tila hindi kompleto ang araw kapag walang nakutkot o nakaing kahit ano, na makapagpapaligaya sa mga sikmura.

Kaya naman, naitanong sa Facebook page na ‘Pilipinas’ kung bet pa ba ng kabataan ngayon o tinatawag na ‘Gen-Z’ ang mga karaniwang meryenda noon.

Imahe mula sa Facebook page na Pilipinas

“May kabataan pa kaya ngayon na gusto ang ganitong meryenda?” patanong na caption sa post. Kalakip nito ang iba’t ibang klase ng meryenda gaya ng nilagang mais lagkitan at kamoteng kahoy, kamoteng ube, binatog, at inihaw na mais.

Nariyan din ang ibat ibang meryendang gawa sa saging tulad ng nilagang hilaw na saging na saba na may sawsawang bagoong isda na may calamansi at sili, nilagang hinog na saging na saba, maruya, banana cue, minatamis na saging na saba, at linupak.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Paborito na ngayon ng kabataan eh milk tea at mga pagkaing fast food! Pero wala pa ring tatalo sa mga meryenda noon na talaga namang simple lamang pero saksakan naman ng sustansya at sarap!” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “Mga anak ko lahat gusto pa ‘yan, lalo na yung kamoteng kahoy na nilagyan ng asukal. Pagkain man ng mga taong medyo hirap, proud ako sa ganiyang pagkain. Mahirap man kami pero pinakamasarap sa lahat ng merienda ay itong mga ito.”

Imahe mula sa Facebook page na Pilipinas

“Very nutritious food! Walang sinabi ang mga pagkain ngayon na masasarap nga pero mamantika at harmful pa sa kalusugan. Kay sarap balikan ng mga gunita noong araw na simple lamang ang pamumuhay, at simple lamang ang preparasyon ng mga pagkain. Hindi tulad ngayon na hindi mo na malaman ang puno’t dulo,” saad naman ng isa.

Ikaw, kinakain mo pa rin ba ang mga meryendang ito?

Source :

Facebook

Loading…