Mga Pinoy sa India nababahala na, gusto nang umuwi sa Pilipinas pero bawal umuwi

Screenshot mula sa GMA video
  • Maraming Pinoy sa India ang desperado nang makauwi sa Pilipinas dahil sa malubhang sitwasyon ng COVID-19 pandemic doon
  • Ipinagbawal ng Pilipinas ang pagpasok ng mga pasahero, kabilang ang mga Pilipino, galing India simula April 29 hanggang May 14, 2021
  • Dalawang Pilipino na ang hindi nakaligtas sa second wave ng COVID-19 sa India

Maraming mga Pilipino sa India ang nababahala na sa  malubhang sitwasyon ng COVID-19 pandemic sa naturang bansa kung saan umabot na sa 200,000 ang mga pasyenteng hindi nakaligtas sa coronavirus.

Screenshot mula sa 9 News Australia video

Ayon sa isang Pinay na naninirahan sa India na kinilalang si Fatima Sharma, maraming mga Pilipino ang desperado nang makauwi sa Pilipinas dahil ang sitwasyon doon ay mas malubha ngayon kumpara noong nakaraang taon.

“Ang situation in India is worse. I think. This is worse than last year,” aniya.

Ayon naman kay Anabelle Villamarin, na isang school principal na naninirahan sa Haryana state, marami siyang nabalitaan na ang mga asawang babae na ang nagbibigay ng cardiopulmonary resuscitation sa kanilang mga asawa na nahihirapang huminga dahil puno na ang mga pagamutan.

May mga tao rin siyang nakita na iniiwanan na lang sa kalsada ang mga kaanak na may COVID-19 dahil hindi na nila kayang alagaan.

“Siyempre kailangan magkaroon ng safety precautions. Hindi kami makalabas, even going to the airport. Lahat halos ng kilala kong Pilipino gusto na umuwi,” sabi ni Villamarin.

Imahe mula sa CNBC TV18

Ayon sa mga eksperto, ang new variant ng coronavirus na nadiskubre sa India ang sanhi ng paglobo ng mga bagong kaso ng COVID-19 infections na umabot sa 300,000 cases.

Umabot na sa 17,636,186 ang total cases ng COVID-19 doon.

Noong Martes, April 27, isiniwalat ni Philippine Ambassador to India na si Ramon Bagatsing, Jr. na dalawampung Pilipino na ang nahawahan ng karamdaman sa second wave ng COVID-19 sa India. Dalawa sa mga ito ang hindi nakaligtas.

Screenshot mula sa GMA video

Dahil sa sitwasyon sa India, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng IATF na i-ban ang lahat ng pasahero na papasok sa bansa, kasama ang mga Pilipino, na galing sa India mula April 29 hanggang May 14, 2021.

Source :

GMA , CNNPH

Loading…