Mga tagahanga nag-aalala sa kalagayan ni Zsa Zsa Padilla

Image by Zsa Zsa Padilla via Instagram
  • Mga tagahanga, nag-aalala sa kalagayan ng aktres at mang-aawit na si Zsa Zsa Padilla
  • Ito ay makaraang mag-post si Zsa Zsa na ilang araw na siyang may iniindang karamdaman
  • Zsa Zsa: Been in pain for 5 days already. Don’t know what to do

Nag-aalala ngayon ang mga tagahanga ng aktres at mang-aawit na si Zsa Zsa Padilla makaraan itong mag-post na mayroon siyang iniindang karamdaman pero hindi alam ang gagawin yamang punuan pa rin ang mga ospital dahil sa COVID-19 pandemic.

Image by Zsa Zsa Padilla via Instagram

Saad ni Zsa Zsa sa isang Twitter post, “Been in pain for 5 days already. Don’t know what to do ‘coz the hospitals are full of covid patients. I may need to go in and get the MRI test that I need. Good Lord have mercy.”

Komento ng isang netizen, “Hospitals are all full. All hospitals we went to last Monday turned us away. Will be praying for you and hope you’ll be fine with home care.”

Saad pa ng isang netizen, “May the almighty God who is capable of making the impossibility possible heal you and give you strength. God bless you Mommyla
@zsazsapadilla.”

Nauna rito, nag-post si Zsa Zsa kaugnay sa paglalagay ng hot water pack at tennis ball para sa iniindang back and leg pain dahil sa sciatica. Nag-post din siya ng Bible verse mula Jeremiah 17:7 na nagsasabing, “But blessed is the man who trusts in the Lord, whose confidence is in him.”

Image by Zsa Zsa Padilla via Instagram

Sa kasalukuyan ay 56-anyos na si Zsa Zsa, talent ng ABS-CBN at napapanood sa noontime variety show na ASAP Natin ‘To. Siya ang nanay ng It’s Showtime host na si Karylle at kabiyak ng namayapang Philippine King of Comedy na si Dolphy.

Kilala rin ang mang-aawit at aktres sa pagganap sa papel na Helena Montoya o Red Dragon sa sikat na 2017 TV series na Wildflower.

Image by Wildflower via Facebook
Source :

Twitter, Twitter

Loading…