Mga taong grasa immune nga ba sa COVID-19? Medical expert may sagot

Imah emula sa Suportado ni Loloy Facebook page
  • Totoo nga bang immune sa COVID-19 ang mga taong grasa?
  • Marami pa rin ang naniniwala na hoax lang ang COVID-19
  • Sinabi ng isang medical expert na dokumentado at walang duda na totoong umiiral ang COVID-19

Batay sa huling tala ng Department of Health nitong April 8, ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 cases sa bansa ay umabot na sa 828,366, subalit sa kabila ng katotohanang marami na ang iginupo ng karamdamang ito ay may mga taong hindi pa rin naniniwala na totoo ang COVID-19.

Imahe mula sa UNAIDS

May nagsasabing tila ginagawa na lang itong negosyo ng ilang mga pagamutan na kahit simpleng ubo, lagnat at sipon ay sinasabing COVID-19 ang karamdaman ng pasyente upang makasingil nang malaki.

Ilan naman sa mga naniniwalang hindi totoo ang COVID-19 ay ibinigay bilang halimbawa ang mga taong grasa na araw-araw makikitang pagala-gala sa mga  lansangan na wala namang suot na face mask  at face shield pero hindi naman daw nagkakasakit.

Isang medical expert ang nagsabi na kung isasailalim sa pagsusuri ang mga taong grasa ay tiyak na may mga magpopositibo sa mga ito.

“If we are going to do swabbing among them, I’m sure may magpapa-positive po. Ang biruan nga namin, eh siguro malakas ang immune system nila. Kahit anong panahon nasa labas po sila kaya may resistance na po sila to any disease,” sabi ni Dr. Ferdinand De Guzman ng San Lazaro Hospital.

Imahe mula sa Minsan Okay Lang Ma-traffic

“Kung may gagawa ng study, may magsa-swab test sa kanila, baka COVID po ang ilan sa kanila. Or karamihan sa kanila, dahil they are very much exposed,” sabi ni Dr. De Guzman.

Sinabi pa ng doktor na isang totoong problema ang COVID-19 ngayon at hindi ito isang hoax lang.

Aniya, marami nang dinapuan nito ang hindi nakaligtas hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo. Well-documented at wala na raw duda na ang “COVID-19 is here with us.”

Imahe mula sa DOH
Source :

Facebook, GMA

Loading…