Mga taong may alta presyon, cardiovascular disease hindi dapat matakot magpa-COVID-19 vaccine

Screenshot mula sa GMA video
  • Hinihikayat ng mga medical experts na magpabakuna ang mga taong may high blood at cardiovascular disease
  • Wala raw dapat ikatakot ang mga ito sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccine
  • Nagbigay ng mahahalagang payo ang mga eksperto kaugnay sa kung ano ang mga  dapat gawin ng mga may alta presyon bago magpabakuna

Nanawagan ang mga medical experts sa mga taong may hypertension at cardiovascular disease na hindi dapat matakot sa pagpapabakuna kontra COVID-19 dahil lang sa mga napaulat na ilang tao na nakaranas ng pagtaas ng blood pressure (BP) matapos magpabakuna.

Imahe mula sa NTF Against COVID-19

Sinabi ng mga eksperto na walang matibay na ebidensya na may epekto ang COVID-19 vaccine sa mga taong may high blood.

“Ang nakikita po namin na nagiging epekto nito ay possible po iyong nerbiyos nila, kinakabahan po sila bago magpabakuna o kaya po ay hindi nga po sila compliant or hindi umiinom ng kanilang mga gamot kaya tumataas po ang kanilang blood pressure habang naghihintay o bago po sila mabakunahan,” paliwanag ni Dr. Orly Bugarin, presidente ng Philippine Heart Association at isang cardiologist.

Dapat daw gawin ang mga sumusunod bilang paghahanda para hindi tumaas ang blood pressure sa araw ng vaccination:

Screenshot mula sa GMA video

Umihi muna dahil nakapagpapataas umano ng BP kung puno ang pantog

Pagkatapos ng pagpapabakuna ay asahan na raw ang ilang side effects nito gaya ng panlalambot, pagkaantok, lagnat, sakit ng ulo at pananakit ng katawan. Wala raw dapat ikabahala sa mga side effects na ito, ayon sa Philippine Foundation for Vaccination.

Normal immune response lang daw ang nararamdamang side effects sa bakuna, ayon naman kay Dr. Mario Panaligan, presidente ng Philippine College of Physicians.

Aniya, dapat gawin ang mga sumusunod kapag nakaranas ng side effects sa pagpapabakuna:

– Lagyan ng malinis, malamig at basang tela ang sumasakit na binakunahang braso

– Igalaw o i-exercise ang braso para mabawasan ang sakit

Kapag nilagnat naman ay dapat uminom ng paracetamol, damihan ang pag-inom ng fluids at magsuot ng preskong damit.

Screenshot mula sa GMA video

Sakaling lumala ang pamumula o paglambot ng bahagi ng brasong binakunahan pagkatapos ng 24 oras, dapat na raw kumonsulta sa doktor.

Iginiit ng mga eksperto na mahalaga na magpabakuna ang malaking bahagi ng populasyon upang makamit ang herd immunity.

 

Loading…