Michael Pacquiao kinanta sa Unang Hirit ang bago niyang rap song na “Run It back”

Screenshot mula sa Unang Hirit video
  • Muling nagpakita si Michael Pacquiao ng husay niya sa pagra-rap
  • Kinanta niya ang latest single niyang “Run it Back” sa morning show na Unang hirit
  • Tulad ng una niyang rap song na “Pac-Man,” ang “Run It Back” ay collaboration nila ng kaibigang si Michael Bars

Muli na namang nagpakita ng kanyang husay sa larangan ng pagra-rap si Michael Pacquiao nang kantahin niya sa morning show na “Unang Hirit’ ang kanyang pinakabagong rap song na “Run It Back” noong Huwebes, ika-22 ng Abril.

Screenshot mula sa YouTube channel ni Michael Pacquiao

Ang latest single na ito ni Michael Pacquiao ay opisyal na ni-release noong April 1. Tampok din dito ang kapwa niya rap artist na si Michael Bars .

Unang sumabak sa larangan ng musika at nagpakita ng galing sa pagra-rap ang ikalawang anak na lalaki ni Manny at Jinkee Pacquiao noong nakaraang taon sa kantang “Pac-Man” kung saan ang kaibigang si Michael Bars ang main rapper.

Ang “Pac-Man” ay tribute ni Michael para sa tatay niyang boxing legend. Pac-Man ang tawag ng mga boxing afficionado kay Manny Pacquiao kapag nasa boxing ring siya.

“Nabuo ko ito with my friend. So, kanya ‘yun and he hit me up sa Instagram and then he asked to like if I can be featured in it. And then I said yes. Nangyari lang all of a sudden,” sabi ni Michael Pacquiao noon tungkol sa kantang “Pac-Man.”

Imahe mula sa Instagram account ni Michael Pacquiao

Maraming netizens ang nagkomento noon na pwedeng gamitin ni Manny Pacquiao ang “Pac-Man” bilang entrance song niya sa kanyang upcoming fights.

Agad nag-click sa mga rap music lovers ang “Pac-Man” pero naging mas malaking hit ang ikalawang kanta ni Michael – ang “Hate” na ngayon ay mayroon nang mahigit 15 million views sa YouTube.

Samantala, sa kanyang YouTube channel :

Source :

GMA , YouTube

Loading…