Miss PH Rabiya Mateo nangunguna sa partial tally ng online voting sa Miss Universe

Imahe mula sa Miss Universe Facebook
  • Nangunguna sa partial tally ng online voting sa Miss Universe si Miss PH Rabiya Mateo
  • Ang online voting sa bansa ay sa pamamagitan ng Lazada app
  • Tatagal hanggang ika-15 ng Mayo ang online voting at bawat Lazada account ay maaaring bumoto nang isang beses

Nangunguna sa Miss Universe partial online voting tally dito sa bansa ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo; ito ang kinumpirma ng Lazada sa GMA News nitong Miyerkules, Abril 28.

Ang Lazada ang online partner ng Miss Universe dito sa Pilipinas at ang online voting ay maaari lamang idaan sa kanilang mobile app para maging valid. Ang mga nasa labas naman ng bansa ay maaaring bumoto sa pamamagitan ng Miss Universe app o website.

Imahe mula sa Lazada Facebook

Pinangunahan umano ni Rabiya ang partial tally sa Lazada app, habang pumapangalawa naman si Miss Vietnam.

Kabilang din sa Top Ten sina Miss Indonesia, Miss Thailand, Miss Malaysia, Miss Korea, Miss Portugal, Miss Romania, Miss Armenia at Miss Singapore, ayon sa pagkasunod-sunod.

Bilang “official E-commerce partner” ng 69th Miss Universe pageant dito sa Pilipinas, ang online vote na manggagaling sa bansa ay counted lamang kapag dumaan sa Lazada app.

Imahe mula kay Mayor Jerry Treñas

Para bumoto, buksan lamang ang iyong account sa Lazada app (o i-download kung wala pa), at pumunta sa ‘Feed’ ng iyong account. Doon ay makikita ang tab para sa Miss Universe, i-click ito at pumili ng nais iboto.

Bawat Lazada account ay maaari lamang bumoto ng isang beses.

May alok din ang Lazada para sa mga supporters ng kandidato. Sila ay maaaring bumili ng tinatawag na ‘Miss Universe’ package na nagkakahalaga ng P48 hanggang P4,869 at bawat package ay may katumbas na bilang ng boto.

Imahe mula sa Lazada Facebook

Ang online voting ay tatagal hanggang ika-15 ng Mayo, 2021. Ang kandidato na may pinakamalaking makukuhang online votes ay tiyak na ang puwesto sa Top 21.

Sa kasalukuyan, si Miss PH Rabiya Mateo ay nasa Estados Unidos bilang paghahanda sa gaganaping coronation night sa Mayo 16 sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.

Loading…