MVP Group nagtayo ng sariling quarantine facility para kanilang mga empleyado

Imahe mula sa PLDT
  • Nagtayo ng sariling quarantine facility ang MVP Group para sa kanilang mga empleyado
  • Ito’y matatagpuan sa 10-ektaryang lupain sa Antipolo, Rizal
  • Libre ang pagkain, medical supplies at internet habang mayroon ding mga nakabantay na doktor at nurses 24/7

Nagtayo ng sariling emergency quarantine facility ang grupo ng kumpanya ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan (MVP) para sa kanilang mga empleyado na magpopositibo sa COVID-19.

Base sa anunsiyo ng PLDT, ang pasilidad ay matatagpuan sa loob ng 10-ektaryang lupain na pag-aari ng First Pacific Leadership Academy (FLPA) sa Antipolo, Rizal kung saan maaaring mag-isolate ang mga empleyadong asymptomatic o mayroong mild lamang na sintomas ng COVID.

Imahe mula sa PLDT

Ang quarantine tents na air-conditioned ay mayroong kapasidad na 240 katao at inaasahang makatutulong upang lumuwang ang mga pasilidad sa Metro Manila na patuloy na napupuno ngayon ng mga pasyente.

“The essential services – connectivity, power, water, road networks, among others — we have continuously provided since the onset of the pandemic have been the source of stability for many Filipinos, and it is our employees – the backbone of all our Companies – that have allowed us to be contributors in moving for economic recovery,” ayon sa pahayag ni MVP.

Imahe mula sa PLDT

Mayroon ding mga doktor at nurses na magbabantay 24/7 at titingin sa mga pasyente sa loob ng 14 na araw habang sila ay naka-isolate.

Bukod dito, libre din ang pagkain, medical supplies, mobile at data connectivity (internet) sa loob ng mga kuwarto.

Ang mga empleyadong magpopositibo sa COVID ay bibigyan ng ‘quarantine leave’ na hiwalay sa kanilang regular na sick leave credits.

Imahe mula sa PLDT

“Our efforts to take care of our workforce aim to reduce overall community transmission, while protecting and providing breathing space to hospitals and medical frontliners, who have been our anchor and support as we continue to battle this pandemic,” wika ni Pangilinan.

Nauna nang sinabi ni Pangilinan noong nagdaang buwan na mamamahagi rin sila ng libreng bakuna sa lahat ng kanilang empleyado, qualified dependents at household members na ang lahat ng gastos ay sasagutin ng kanilang kumpanya.

Loading…