Nakakain ka na ba ng ‘miracle fruit’?

  • Itinampok sa isang vlog ang pagluluto ng miracle fruit
  • Kilala rin ito sa tawag na calabash
  • Sinasabing nakagagamot ito ng iba’t ibang karamdaman

Sagana ang Pilipinas sa iba’t ibang uri ng masusustansyang gulat at prutas. Sa bawat lugar sa bansa ay may maipagmamalaking prutas. Ang Guimaras ay kilala sa kanilang matatamis at mapipintog na mangga, ang Aklan sa mga pinya, at ang Davao City naman ay durian. Isa pa sa prutas na kilala sa Davao City ang miracle fruit o kilala rin sa tawag na calabash.

Hindi lamang sa Davao City matatagpuan ang calabash. Maaari din itong makita sa iba pang panig ng bansa, lalo na sa Southern Leyte. Kaya naman, isang vlogger na matatagpuan sa Laray, Macrohon, Southern Leyte, ang nagpakita ng demonstrasyon kung paano gumawa ng juice mula sa calabash.

Makikita ito sa Facebook page na “Ate Charing ang Reyna ng South Korea.”

Image capture mula sa Facebook page na Ate Charing ang Reyna ng South Korea.

Ngunit ano nga ba ang miracle fruit o calabash?

Sa Davao na tinaguriang “Fruit Basket Capital of the Philippines kadalasang matatagpuan ang miracle fruit o calabash; mukha itong buko at pakwan o watermelon kung ang pagbabasehan ay ang laki, at kapag naman binuksan, parang guyabano ang laman.

Tinawag itong miracle fruit dahil marami umanong sakit o karamdaman ang napapagaling o napipigilan nito gaya ng diarrhea, hypertension at sakit ng tiyan, asthma, ubo, sipon, bronchitis, at pinaniniwalaang nakapagpapagaling o nakapipigil ng kanser. Kaya rin umano nitong mapigilan ang hyperglycemia.

Subalit kung may magandang dulot ito sa kalusugan, may dulot din itong panganib.

“But don’t use calabash too much in food preparation. It has been reported the fruit contains a toxic compound called tetracyclic triterpenoid cucurbitacin which can trigger stomach ulcer. Pregnant women must also avoid consuming it as a fruit was once used to induce labor,” saad ng isang eksperto.

Public Domain Image

Samantala, panoorin ang naturang vlog via Facebook:

Loading…