Nanay nagpatayo ng dalawang footbridge para ligtas na makatawid sa kalsada ang anak

Imahe mula sa Pixabay
  • Gumastos ng malaking halaga mula sa sariling bulsa ang isang ina sa pagpapagawa ng dalawang footbridge
  • Ipinagawa niya ang dalawang tulay dahil nag-aalala siya sa kaligtasan ng anak tuwing tatawid sa kalsada sa pagpasok sa eskwela
  • Gumastos ang ginang ng one million yuan o katumbas ng halos P7.5 million

Isang ina sa Henan Province sa China na labis na nag-aalala sa kaligtasan ng kanyang anak sa pagtawid ng kalsada tuwing papasok sa eskwela ang gumastos ng malaking halaga mula sa sariling bulsa upang makapagpagawa ng dalawang footbridge.

Imahe mula sa PRI

Nalalagay umano sa panganib ang kanyang anak at iba pang mga estudyante na tumatawid dahil ang entrance ng Xiayi County Experimental Middle School ay katabi ng main road na maraming sasakyan na dumaraan at walang traffic light.

Ayon sa mga residente sa lugar, ang bahagi ng kalsada malapit sa paaralan ay palaging puno ng mga sasakyan sa tuwing hinahatid at sinusundo ng mga magulang ang kanilang mga estudyanteng anak.

“There are no traffic lights near the school entrance. It’s very dangerous,” sabi ng isang magulang.

“It’s not safe for teachers and students. Sometimes cars just won’t stop when you cross the road,” ayon naman sa isang teacher sa nabanggit na paaralan.

Ang dalawang footbridge na ipinatatayo ng naturang ina na kinilala lang sa apelyido nitong Meng ay nagkakahalaga ng one million yuan o katumbas ng P7,428,492. Ang pagpapatayo ng mga iyon ay aprubado ng Bureau of Housing and Urban-Rural Development ng Henan Province.

Imahe mula sa Sohu

“I built the bridge out of my own pocket for the safety of the children. It will also help with more convenient and faster traffic,” sabi ni Meng.

Aniya, tatawagin niyang “Wisdom Bridge” ang ipinagawang footbridge.

Source :

SCMP, Asia One

Loading…