Napakagandang larawan ng Pilipinas kuha ng isang Japanese astronaut mula sa kalawakan

Imahe mula kay Japanese astronaut Siochi Noguchi
  • Mga netizens humanga sa larawan ng Pilipinas na kuha mula sa International Space Station
  • Ang larawan ay kuha ng Japanese astronaut na si Soichi Noguchi
  • Ibinahagi niya sa Twitter ang larawan

Namangha ang mga social media users sa larawan ng Pilipinas na kuha ng isang Japanese astronaut na nasa International Space Station na umiinog sa Earth orbit.

Imahe mula sa JAXA

Kinunan ni Soichi Noguchi, astronaut mula sa Japan Aerospace Exploration Agency o JAXA, ang Pilipinas noong Martes, April 6, at ibinahagi niya ang larawan sa kanyang Twitter account.

“Beautiful Philippines Islands,” ang nakalagay na caption sa kanyang Twitter post.

Marami ang humanga sa magandang larawan. Karamihan sa kanila ay mga Japanese netizens. May mga Pinoy  din  na nagbigay ng reaksyon sa post ng astronaut.

Makikita sa larawan ang buong Luzon at ang Kabisayaan na napapalibutan ng kulay asul na karagatan. Makikita rin na may mangingilan-ngilang mga ulap na tumatabing sa ilang bahagi ng  Visayas.

Narito ang ilang tweets ng mga Pinoy sa post ng Japanese astronaut.

Walang labis, walang kulang! That’s 7,640 islands. 

 “Thank you with love from the Philippines.”

 This is so amazing, Soichi. The Philippines in the middle of the ocean. Keep taking photos. They are all so lovely. Love from all the Filipinos from down here, up there.

Imahe mula kay Japanese astronaut Siochi Noguch

Si Noguchi ay nagtungo sa International Space Station sakay ng SpaceX Crew Dragon ship noong November 2020. Nakatakda siyang bumalik sa Earth sa April 28.

Naging astronaut si Noguchi ng JAXA noong 1996.

Nakapagtapos siya ng maraming kurso sa University of Tokyo kabilang ang B.S. in Aeronautical Engineering noong 1989, master’s degree in Aeronautical Engineering noong 1991, at Doctor of Philosophy in Advanced Interdisciplinary Studies noon lang nakaraang taong 2020.

Bukod sa larawan ng Pilipinas, ibinahagi rin niya sa Twitter ang larawan ng Japan, the Netherlands,  Ireland, France at Israel.

Imahe mula kay Soichi Noguchi
Source :

Twitter, ABS-CBN

Loading…