Nasa 240 Chinese vessels nagkalat pa rin sa loob ng EEZ ng Pilipinas – Task force

Imahe mula sa NTF-WPS
  • Naispatan ang nasa 240 Chinese vessels na nagkalat sa WPS
  • Hindi ito ordinaryong barkong pangisda kung hindi mga militia vessels
  • Muling nanawagan ang NTF-WPS sa China na paalisin na ang kanilang mga barko sa teritoryo ng Pinas

Kinumpirma ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) na nagkalat pa rin sa teritoryong sakop ng Pilipinas ang nasa 240 sasakyang pandagat ng China.

Ito ay sa kabila ng unang napaulat na nasa mahigit 20 na lamang umano ang natirang Chinese vessels na nakahimpil sa West Philippine Sea nitong nagdaang araw.

Imahe mula sa NTF-WPS

Sa pahayag na inilabas ng NTF-WPS, lumabas umano sa kanilang isinagawang sovereignty patrols na nananatili pa rin ang mga barko ng Chinese Maritime Militia (CMM) at Chinese Coast Guard malapit sa Kalayaan group na sakop ng Palawan at nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Kabilang sa kanilang naispatan ay ang mga sumusunod: 136 CMMs sa Burgos (Gaven) Reef; 6 sa Julian Felipe (Whitsun) Reef; 65 sa Chigua (McKennan) Reef; 6 sa Panganiban (Mischief) Reef; 3 sa Zamora (Subi) Reef; 4 sa Pag-asa (Thitu) Islands; 1 sa Likas (West York) Island; 5  sa Kota (Loaita) Island; at 11 sa Ayungin (Second Thomas) Shoal.

Imahe mula sa NTF-WPS

“These 240 CMM vessels, now dispersed at the Pagkakaisa (Union) Banks and Pag-asa Islands, are about sixty (60) meters in length. A minimum estimate that each can catch one (1) ton of fish amounts to a conservative total of 240,000 kilos of fish illegally taken from Philippine waters every single day that the massed Chinese fishing vessels remain in the West Philippine Sea. These acts fall under illegal, unreported and unregulated fishing (IUUF),” pahayag ng task force.

Bukod dito, may namataan din ang Philippine Coast Guard na mga Chinese poachers na nangunguha ng giant clams sa may Pag-asa island na kaagad namang tumalilis matapos makita ang papalapit na Pinoy troops.

Isa umano itong malinaw na paglabag sa Philippine fisheries and wildlife laws, at sa Convention on International Trade of Endangered Species of Wild Fauna and Flora (CITES).

Imahe mula sa NTF-WPS

“The continuous swarming of Chinese vessels poses a threat to the safety of navigation, safety of life at sea, and impedes the exclusive right of Filipinos to benefit from the marine wealth in the EEZ,” dagdag pa ng NTF-WPS.

Dahil dito, muling nanawagan ang Pilipinas sa China na paalisin na ang kanilang mga barko sa karagatang nasasakupan ng bansa.

“In keeping with its role as a development partner, China should take the Philippine representations seriously and respect Philippine sovereignty, rights and interests in consonance with the further strengthening of Philippine-China bilateral relations,” dagdag na pahayag ng task force.

Loading…