NCR maaaring ‘magluwag’ lamang kapag bumaba na sa 2,000 COVID cases kada araw – OCTA

Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Maaari lamang magluwag sa NCR kapag bumaba na ang bilang ng COVID kada araw
  • Posible umano itong mangyari makaraan ang dalawang linggo pa ng MECQ
  • Nagbabala rin ang OCTA na maaari tayong magaya sa India kapag ipinilit ang GCQ

Nagpaalala ang OCTA Research group na posibleng luwagan lamang ang quarantine status sa Metro Manila at karatig-lalawigan kapag naibaba na ang bilang ng naitatalang COVID cases kada araw sa 2,000 na lamang.

Ginawa ng OCTA ang pahayag kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na extended pa rin ang modified ECQ sa rehiyon ng dalawang linggo hanggang sa Mayo 14.

Screenshot mula sa video ng OnePH

“We’re hoping the cases will be reduced to less than 2,000. If the number of daily average cases in NCR goes below 2,000 it will still a significant number but I believe we can still manage it even under GCQ,” ani Dr. David Guido ng OCTA.

Nitong Miyerkules, Abril 28, ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 6,895 kaso ng COVID; isa sa pinakamababa na arawang bilang sa nakaraang dalawang linggo. Subalit sumampa na rin sa 1,020,495 ang kabuuang bilang sa bansa; 67,769 rito ay nanatiling aktibo.

Base naman sa pananaw ng OCTA, posible umanong bumaba ang arawang bilang sa mahigit-kumulang 2,800 na lamang sa susunod na dalawang linggo.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Nangangahulugan daw ito na mas marami na ang nadi-discharge kumpara sa na-admit sa mga pagamutan kaya luluwag na rin ang mga kuwartong okupado ng mga pasyente.

Pinas magagaya sa India

Samantala, nagbabala rin ang isa pang eksperto sa OCTA na posibleng magaya ang Pilipina sa India kapag ipinilit ang GCQ status sa NCR.

Ayon kay OCTA Research fellow Prof. Ranjit Rye, ang pinalawig na MECQ ang maaaring maging “exit strategy” ng mga apektadong lugar para lumuwag nang bahagya ang quarantine status.

Sitwasyon sa India| Imahe mula sa SCMP

“’Yung position namin sa OCT, hindi puwede ang pag-transition sa OCTA kasi ‘yung trend po natin puwedeng mag-reverse. Kapag na-reverse ‘yan, madaling magkaroon ng sitwasyon kagaya sa India dito sa Metro Manila na talagang grabe ang pagkalat,” paliwanag ni Rye.

Sa kasalukuyan, ang India ang may pinakamalalang sitwasyon ngayon dahil sa napabilis na hawahan bukod pa sa punuan na ang mga pagamutan at nagkakaubusan na rin umano ng supply ng oxygen.

Ipinatupad na rin ng Pilipinas ang travel ban para sa mga pasaherong manggagaling at tutungo sa nasabing bansa dahil sa banta ng COVID-19.

Loading…