Netizen hinihikayat ang mga social media users na maging ‘direct-to-the-point’ sa pakay ng pagcha-chat

  • Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang saloobin hinggil sa chat messaging
  • Aniya, kailangan daw na maging ‘direct-to-the-point’ na ang mga tao sa pagsasabi ng pakay o intensyon, at hindi paligoy-ligoy pa
  • Para sa naturang netizen, pagsasayang lamang sa oras ang mga pasakalyeng ‘Uy!” o pagtawag sa pangalan

“Uy…”

Madalas ka bang nakatatanggap ng isang katagang mensahe mula sa iyong kaibigan sa social media, partikular sa Messenger? Ano ang nararamdaman mo?

Para sa netizen na nagbahagi nito, nakakatamad at nakakainis magpadala ng tugon o reply kapag ganito ang entrada o bungad ng pangungumusta sa social media. Kaya naman payo niya sa publiko, maging direkta o ‘direct-to-the-point’ sa pakay o intensyon para hindi sayang sa oras.

Imahe mula sa Facebook account ni Shin / Public Domain Image

Saad niya sa kaniyang Facebook post, “Sorry I have to address a sensitive topic: Alam ninyo ba nakakatamad kapag may magme-message sa ‘yo randomly na may kailangan/itatanong tapos ang laman lang ay ‘Uy’ or *insert name* tapos kailangan ko pa mag-reply ngayon ng ‘Bakit?’ or unnecessary unaffected kumustahan etc.,  eh puwede namang sabihin mo na lang straight away ang kailangan ninyo ‘di ba?”

Dagdag pa niya, “Sayang yung oras natin pareho, dapat ilagay ninyo na kaagad lahat ng detalye, bakit kailangan ninyong mag-chat para ang sagot ko na agad ay diretso sa mismong tanong!”

Giit niya, nasa ika-21 siglo na tayo kaya kailangang umunlad na rin ang mga ‘communicative conventions’ o nakasanayan na natin pagdating sa mga ganitong bagay. Mas direkta, mas maganda. Wala nang pasakalye o paligoy-ligoy pa.

“Ok lang naman sa akin if ‘di mo ako kausapin 200 years at mag-message ka lang out of the blue kapag may kailangan, like we are adults and we don’t have to talk always pero hayun, ayokong-ayoko ng student or friend na ang message lang ay ‘Sir’ or ‘Shin’ tapos kailangan ko pa mag-‘Yes?’

Imahe mula sa Facebook account ni Shin / Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“I really appreciate workmates na kapag minessage ka, kuha mo na agad yung gusto niya makuha ko sa conversation,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Hindi naman kasi lahat ng tao malakas ang loob to directly say to you what they need. Tulad ng sample mo na lagari and yung ‘mali’ na message mo ay baka about sa pera naman—these kinds also vary, like the weight of the message, the character of the person asking, at sa tagal niyo nang nag-uusap.”

“Nonetheless, minsan nakakatawa naman nga talaga yung may pa-intro pa but we can’t do anything about it kasi nga that’s the person’s way of trying to communicate with you. Also, di naman po tayo 24/7 busy. Opinion lang po,” pagpapatuloy nito.

Ikaw, anong masasabi mo sa bagay na ito?

Source :

Facebook

Loading…