Netizen ibinahagi ang pagkakaroon ng dream house sa loob lamang ng dalawang taon

  • Ibinida ng isang netizen ang kaniyang dream house na nakuha niya sa loob lamang ng dalawang taon
  • Partida dahil nakaranas pa ang bansa ng pandemya
  • Todong pagtitipid at pagsasakripisyo ang ginawa niya para lamang mangyari ito

Walang pangarap na hindi maaabot basta’t pursigidong maabot ito, anuman ang pagsubok na kakaharapin.

Kagaya na lamang ng ibinahagi ng netizen na nagngangalang ‘Shaira Gonzales’ kung saan ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post ang pagkakaroon niya ng dream house sa loob lamang ng dalawang taon, sa kasagsagan pa ng pandemya.

Imahe mula sa Facebook account ni Shaira Gonzales

Salaysay niya, taong 2019 daw nang maisipan niyang bumili ng bahay. Talagang tiniis niya muna ang kaniyang sarili na limitahan ang online shopping, pagkain sa mga samgyeopsal, at unlimited wings. Tiniis niya ang mga kaunting ‘parinig’ sa kaniya ng mga kaibigan na kuripot na siya.

“AND FEELING KO NAMAN WORTH IT LAHAT, KASI HETO NA SIYA, ONE STEP AHEAD NA LANG! Heto na yung dream house ko, dream ko para kina Mama at Papa, dream ko para sa mga kapatid ko at dream ko para sa family ko!”

“For all the hard work and struggle moments, sa mga times na mapapasabi na lang ako ng ‘Ayoko na, nakakapagod magtrabaho, Ikaw talaga yung naging inspirasyon ko (tumutukoy sa kaniyang bahay). Ikaw talaga yung motivations ko. WALANG SUSUKO PARA SA BAHAY!” aniya.

Inialay niya ang dream house sa kaniyang tatay na sumalangit na.

Imahe mula sa Facebook account ni Shaira Gonzales

“Pa? Alam ko masaya ka diyan! Heto na yung pangarap natin ‘di ba? Feeling ko naman ‘di na tayo mala-landslide dito! Check ka lang diyan ah,  sabihin mo kay Lord salamat sa lahat ng lakas ng loob na ibinibigay Niya sa akin! And Mama pwedeng-pwede ka na diyan magtinda, at magagawa mo lahat ng gusto mo diyan! PARA SA ‘YO TALAGA ‘YAN!”

Sa bawat kalakip na larawan ng kaniyang post ay may nakalagay na caption bilang pagpapaliwanag sa naging journey na kaniyang pinagdaanan sa pagpapagawa nito. Dadaan pa raw sa house renovation ang kaniyang bahay, subalit ayos lamang dahil nakahanda naman siya.

Siya ay vlogger din na nagbabahagi ng DIY o do-it-yourself projects at mapapanood sa kanyang YT channel.

Nakaka-inspire siya, hindi ba?

Source :

Facebook, YouTube

Loading…