Netizen ibinahagi ang recipe ng homemade malunggay-flavored ice cream na gawa ng kapatid

Imahe mula sa Facebook account ni Luis Azcona
  • Ibinida ng isang netizen sa social media ang malunggay-flavored ice cream na gawa ng kanyang kapatid
  • Maraming social media users ang nagkainteres sa home-made ice cream
  • Ibinahagi ng netizen sa kanyang Facebook account ng recipe ng malunggay ice cream

Ibinida ng isang netizen sa social media ang ice cream na ginawa ng kanyang bunsong kapatid na may halong malunggay.

Imahe mula sa Facebook account ni Luis Azcona

Ayon kay Luis Azcona, namitas siya at ang bunsong kapatid ng mga dahon ng malunggay mula sa puno na itinanim ng kanilang mga magulang sa kanilang bakuran.

Pinatuyo at dinurog umano nila ang mga dahon ng malunggay na ibibigay nila sa kapatid nilang babae sa Cebu na nagpapa-breastfeed ng anak.

“Malunggay ice cream (moringa) made by our youngest sibling, Nana. From the tree that our parents grow in the backyard, harvested and dried by Nana and me! The powder is supposed to go to our lactating sister in Cebu,” ani Azcona.

Aniya, ‘yung ibang powdered malunggay ay ginawang ice cream at nasurpresa raw siya na masarap iyon. Lasang matcha (green tea leaves) raw iyon.

“But it doesn’t hurt to ice-cream-ize some of it. Tastes surprisingly good. Reminiscent of matcha,” sabi pa niya.

Marami raw ang nagkainteres sa malunggay ice cream kaya kinulit umano niya ang kapatid para ibahagi sa mga netizens ang recipe nito.

Screenshot ng malunggay-flavored recipe

Narito ang recipe:

Ingredients:

1 pack All-purpose cream (chilled), 3 tbsp. Condensed milk, 1 tbsp Malunggay powder, 1 tbsp water, Pinch of salt

Directions:

Mix malunggay powder and water. Mix cream for 5 minutes. Add malunggay mixture. Mix until you reach the desired consistency.

Nangako rin si Azcona na mag-a-upload ng video ng paggawa ng malunggay ice cream sa kanilang YouTube channel.

Imahe mula sa Facebook account ni Luis Azcona

 

Loading…