Netizens napa-sana all sa asong kinabitan ng braces: “Buti pa ‘yung aso”

Image by Fauz Balauag | 98.5 i-FM Cauayan via Facebook
  • Asong nilalapatan ng braces, nag-trending sa social media
  • Maraming netizens ang napa-sana all sa asong nilalapatan ng braces
  • Komento ng isa: “Talo pa ako ng asong to! Sana all aso, arf arf hahaha”

Sadyang malapit sa mga tao ang kanilang mga alagang hayop lalo na ang aso at marami ang itinuturing silang miyembro ng pamilya. Kaya’t kung mayroon namang kakayahan, ibibigay lahat ang mga pangangailangan nito – pati pagpapakabit ng braces.

Image by Fauz Balauag | 98.5 i-FM Cauayan via Facebook

Kinaaaliwan sa social media kamakailan ang larawan ng isang aso na kinakabitan ng braces makaraan itong ibahagi ni Fauz Balauag sa 98.5 i-FM Cauayan FB page.

Marami tuloy ang napa-sana all sa aso lalo pa’t may kamahalan ang pagpapakabit nito.

“Buti pa ang aso may pang-brace,” ang komento ng isang netizen na sinamahan ng tumatawang emoji. Mayroon namang nagsabi ng, “Talo pa ako ng asong to! Sana all aso, arf arf hahaha.”

Iba pang komento, “Masyado namang mahigpit ang may-ari niyan, pati ngipin ng aso, pinalagyan ng bakod.” Isa pang comment, “Is this really good to animals?”

Habang ibinabahagi ito, mayroon nang tinatayang 400 reaksyon at nasa 260 shares ang post.

Batay sa PetMD, matagal nang mayroong braces para sa mga alagang aso. Ito’y simula pa noong 1980s. Partikular na layunin nito ay para gamutin ang mga painful at potentially dangerous dental issues ng mga alaga.

Image by Fauz Balauag | 98.5 i-FM Cauayan via Facebook

Pahayag ni Dr. Donnel Hansen, ang pagkakabit ng braces sa mga aso ay para magkaroon sila ng mas malusog at mas komportableng pagkagat.

Para malapatan ng braces, kinakailangang nasa maayos na kalusugan ang aso at kaya nito ang anesthesia at kayang tiisin ang paulit-ulit na pagsasaayos ng ngipin. Marapat ding i-maintain at linisin ng pet owner ang bunganga ng aso sa kabuuan ng treatment period.

Image by Fauz Balauag | 98.5 i-FM Cauayan via Facebook
Source :

Facebook, PetMD

Loading…