Netizens tumaas ang kilay sa presyo ng Louis Vuitton handbag na hugis eroplano

Imahe mula sa Louis Vuitton
  • Naglabas ang Louis Vuitton ng handbag na korteng eroplano para sa 2021 Fall-Winter Collection nito
  • Nagkakahalaga ang handbag ng $39,000
  • Mas mahal pa ang handbag sa totoong second hand na eroplano

Madalas na nakapagpapataas ng kilay ang mga kakaibang disenyo na inilalabas ng iba’t ibang luxury brands na kilala sa buong mundo. Kamakailan lang, ang Louis Vuitton ay naglabas ng handbag collection nito na grabe ang taas ng mga presyo.

Imahe mula sa Louis Vuitton

Bahagi ng Fall-Winter Collection ng Louis Vuitton ang isang handbag na korteng eroplano. Ang print ng handbag ay ang iconic brown na kulay nito na may mga letrang “LV.” Idinisenyo ito ni Virgil Abloh, isang American designer na siyang  artistic directror  ng men’s collection ng naturang luxury brand.

Naniniwala ang marami na ang layunin ng pagdisenyo sa LV handbag na hugis eroplano ay hindi upang makabenta ng marami kung hindi makagawa lang ng “excitement” at “online buzz.”

Nakakataas ng kilay ang presyo ng handbag na ibinebenta sa halagang $39,000 o katumbas ng P1,891,852.79.

Ayon sa isang netizen, mas mahal pa raw ang LV handbag kaysa sa isang second hand na tunay na eroplano.

“You can actually buy an actual plane for less,” sabi nito.

Para mapatunayan ang sinabi ay nagpakita pa ito ng larawan ng second hand na Cessna plane na ibinebenta sa halagang $32,300.

Screenshot mula sa Quirky World of Jane Moos video

Ayon naman sa isa pa ng social media user, ang naturang handbag raw ay maihahalintulad lang sa mga bagay na ibinibigay ng mga Kardashians (kilala bilang America’s most famous family) sa kanilang mga anak para paglaruan at kapag nasira pagkalipas ng ilang araw ay itatapon na lang.

“This is what the Kardashians give there kids to play with the car and throw it away when it’s broke in a few days,” wika ng netizen.

Imahe mula sa Louis Vuitton

 

Loading…