Northbound section ng Skyway Extension bukas na sa publiko; toll free pa sa ngayon ang access

Imahe mula sa SMC
  • Bukas na sa mga motorista ang northbound section ng Skyway Extension
  • Binuksan ang bagong kalsada noong Linggo, ika-11 ng Abril
  • Wala pang toll fee na sisingilin sa mga motoristang gagamit nito

Inanunsyo ng San Miguel Corporation (SMC) na maaari nang gamitin ng mga motorista ang northbound section ng Skyway Extension.

Imahe mula sa SMC

Inanunsyo ni SMC president and chief operating officer na si Mr. Ramon S. Ang nitong Lunes, April 12, na noong alas-kwatro ng hapon ng Linggo, April 11, ay binuksan na ang bagong kalsada na layuning maibsan ang trapiko sa South Luzon Expressway sa bahagi ng Alabang, Muntinlupa City.

“I am proud to announce to motorists from the south that finally, our long-awaited Skyway Extension northbound section is finally open. Our long-term solution to addressing traffic particularly on SLEX heading to the Alabang area has finally been realized,” ayon kay Mr. Ang.

Bago buksan sa publiko, nagsagawa muna ng final inspection si Mr. Ang at si Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways.

Tanging Class 1 vehicles na may RFID stickers lang ang maaaring dumaan sa Skyway extension. Kabilang dito ang mga taxi, jeepney, vans, SUVs, pick-up at motorsiklong 400cc pataas.

Screenshot mula sa SMC video

Pinasalamatan ni Mr. Ang si Pangulong Rodrigo Duterte, ang Build, Build, Build Program ng administrasyon nito at ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City.

Aniya, hindi magiging posible ang proyekto kung walang suporta mula sa gobyerno.

“I’d like to thank too, the local government of Muntinlupa and our private sector stakeholders, without whom we could not have gotten this done. Most of all, thank you to our motorists, for bearing with us. We are excited for you to finally be able to feel the benefits of this new project,” sabi ni Mr. Ang.

Imahe mula kay Ramon S. Ang

”The completion of the northbound section of Skyway Extension is testament to what the government and the private sector can achieve together,” sambit naman ni Sec. Villar.

Ang northbound section ng Skyway Extension ay nagbibigay ng direct link sa elevated Skyway System para sa mga motoristang galing sa Laguna, Batangas, at Cavite. Hindi na kailangan pang dumaan sa Alabang viaduct kaya maiibsan na ang trapiko sa naturang lugar.

Screenshot mula sa SMC video
Source :

Inquirer, Spot

Loading…