OCTA Research nilinaw na suportado nila ang community pantries

Community Pantry| Imahe mula sa Vatican News
  • Nilinaw ng OCTA na suportado nila ang mga community pantry
  • Kasunod ito ng lumabas na balitang sinisi ng research team ang community pantries sa mabagal na pagbaba ng COVID cases
  • Hindi raw community pantry ang maaaring dahilan kung hindi ang pamamahagi ng ayuda

Nilinaw ng OCTA Research group na suportado nila ang mag nagsulputang community pantry at hindi nila ito sinisisi sa pagkaantala ng pagbaba ng bilang ng COVID cases sa bansa.

Kasunod ito ng lumabas na balitang sinabi umano ni Dr. Guido David ng OCTA na kaya mabagal ang pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID ay dahil sa mga community pantry na pinipilahan ng maraming tao nitong nagdaang mga araw.

Screenshot mula sa ABS-CBN

“OCTA wishes to clarify that these reports are false and misleading. OCTA research and its fellows did not make any such unsubstantiated claims in media,” ayon sa pahayag na inilabas ng OCTA nitong Miyerkules.

Buo rin umano ang kanilang suporta sa inisyatibong ito ng ilang indibidwal at grupo na nais lamang makatulong sa kapwa ngayong pandemya.

“We laud these civic initiatives and strongly urge the public to continue to support these initiatives,” dagdag pa ng research team.

Ganun pa man, hinihikayat pa ring grupo ang mga organizers ng community pantries na tiyaking nasusunod ang minimum health protocols sa kanilang komunidad.

Nilinaw rin in Dr. David sa isang panayam na walang sapat na katibayan na magpapatunay na ang mga community pantries ay isa sa mga dahilan kung bakit tumaas ang COVID cases nitong nagdaang araw.

Imahe mula sa Benar News

Sa halip, maaari umanong isisi ito sa pamamahagi ng ayuda at hindi sa community pantry gaya ng unang naiulat.

“Nagka-upward trend we believe because it’s due to pag-di-distribute ng ayuda, which we also support…pero it has to be done in a safe way na minimized ‘yung risk of community transmission and naayos naman nila ‘yung pagbibigay ng ayuda because wala na tayong uptick, pababa na uli ‘yung cases,” paliwanag ni David sa OneNews.ph.

Posible pa rin umanong dumami uli ang hawahan lalo na’t mayroong ‘increased activity’ ang mga tao kaya kailangan itong gawin nang maayos at ligtas para sa kapakanan ng karamihan.

Loading…