“Officially Mrs. Manzano:” Luis Manzano, Jessy Mendiola ikinasal na

  • Ikinasal na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola
  • Hindi nila idinetalye kung kailan, subalit lumitaw ang pormal na anunsyo sa publiko nitong Linggo, Abril 4, 2021, kasabay ng Linggo ng Pagkabuhay ni Hesukristo
  • Halos apat na taon ang naging relasyon nina Luis at Jessy bilang magkasintahan

“Officially Mrs. Manzano.”

Kasabay ng pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay o Easter Sunday ang pagkumpirma nina celebrity couple Luis Manzano at Jessy Mendiola na sila ay kasal na, batay sa mga social media platforms nila.

Imahe mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola/Luis Manzano

“Hopefully, after watching the video, you’ll have huge smiles on your faces and only feel love because with everything that’s been happening in the world, that’s all we want, to share the love and spread some joy to everyone,” saad ni Jessy sa caption ng kanilang wedding video na may pamagat na “Our Intimate Wedding,” na makikita sa kaniyang official YouTube channel.

Makikita sa video ang kanilang mga wedding guests, kasama ang celebrity parents ni Luis na sina Edu Manzano at Vilma Santos-Resto, na kasama naman sina Senator Ralph Recto, at kapatid ni Luis sa ina na si Ryan Recto. Hindi naman ipinabatid sa video ang petsa ng eksaktong wedding day nila.

Panoorin:  Jessy Mendiola -Luis Manzano share prenup music video

Sa kani-kanilang mga Instagram posts, ang tanging caption lamang na makikita ay mula sa mga Bible verses.

“So they are no longer two, but one flesh. Therefore what God has joined together, let no one separate,” mula sa  Matthew 19:6.

“He has made everything beautiful in its time,” mula naman sa Ecclesiastes 3:11

Nagpaabot na ng pagbati ang kani-kanilang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz, sa iba’t ibang TV networks. At syempre, nagpaabot din ng pagbati at komento ang kani-kanilang mga tagahanga at tagasubaybay.

Image capture mula sa YouTube channel

“You can feel the love all over the place, intimate indeed. I’m just crying and laughing the whole time. Congratulations, Jessy and Luis! So happy for the both of you,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Si Jessy yung anghel na bumaba sa lupa. Napakagandang babae. Suwerte mo, Luis. Bagay nga sa ‘yo ang pangalan mong LUCKY. Congratulations to the both of you.”

Matatandaang inanunsyo nina Luis at Jessy na engaged na sila noong Disyembre 2020.

Click ang imahe para sa wedding video nila!

CLICK TO PLAY VIDEO

Congratulations, Luis and Jessy Mendiola-Manzano!

Loading…