Pacquiao sa mga anti-Asian na tao sa Amerika: “Ako labanan mo, duwag”

Screenshot mula sa Twitter account ni Sen. Manny Pacquiao
  • Isang mensahe ang ipinaabot ni Sen. Manny Pacquiao sa mga tinatawag na racist sa Estados Unidos
  • Sunud-sunod ang pag-target ng mga racist sa mga Asians, kabilang ang  mga Pilipino
  • Nanawagan si Sen. Pacquiao na itigil na ang diskriminasyon

Naglabas ng mensahe si Senator Manny Pacquiao sa mga taong sangkot sa pagdidiskrimina kontra sa mga Asyano na naninirahan sa Estados Unidos.

Screenshot ng Facebook post ni Sen. Manny Pacquiao

Sa isang Facebook post, nanawagan ang senador na itigil na ang diskriminasyon. Aniya, iisa lang naman ang kulay ng ating dugo.

“We have one color in our Blood! Stop discriminating. Love and Peace to everyone,” aniya.

Kalakip ng tweet niya ay apat na larawan na may iisang mensahe, subalit nakasulat sa mga iba’t ibang wika – Ingles, Pilipino, Chinese at Korean. Aniya, siya na lang ang labanan sa halip na mga Asyano na hindi kayang depensahan ang mga sarili.

Ang mensahe ni Sen. Pacquiao ay kaugnay ng sunud-sunod na ginagawa ng mga racists na tumatarget sa mga Asyano, kabilang na ang mga Pilipino.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas, isang video ang kumalat kung saan isang 65-anyos na Pinay immigrant sa New York ang nabiktima ng isang suspek na nakilalang si Brandon Elliot, 38 years old.

Patungo sana sa simbahan ang Pinay na nakilalang si Vilma Kari nang makasalubong ang suspek.

“You don’t belong here,” ang narinig na sinabi ng suspek na si Elliot sa matandang Pinay.

Screenshot mula sa GMA video

Makikita rin sa video na may mga nakasaksi sa pangyayari, subalit sa halip na tumulong ay nagsara pa ng pintuan ang guwardiya ng isang gusali kung saan naroroon ang CCTV na nakakuha ng footage ng insidente.

Agad namang nadakip ang salarin. Ipinagpasalamat ng Philippine Consulate ang mabilis na pag-responde ng NYPD. Nanawagan din ito sa Filipino community sa Estados Unidos na maging mapagmatyag dahil sa mga nangyayaring diskriminasyon sa mga Asyano.

Source :

Twitter, GMA

Loading…