Pag-inom ng Paracetamol ipinayo kapag nakaranas ng side effect sa COVID-19 vaccine

Imahe mula sa Manila PIO
  • Tinalakay sa Laging Handa public briefing noong April 13 ang mga misconceptions tungkol sa COVID-19 vaccination
  • Nilinaw ng medical experts na pwedeng magpabakuna ang may hypertension basta ng blood pressure ay hindi lalampas sa 180/120
  • Kung lalagnatin o sasakit ang bahaging tinurukan ng karayom matapos mabakunahan, pwede umanong uminom ng paracetamol upang maibsan ang discomfort na nararamdaman

Sa Laging Handa public briefing na ginawa noong Martes, ika-13  ng Abril, binigyang-linaw ng panauhing health experts ang ilang kumakalat na maling impormasyon at misconceptions tungkol sa COVID-19 vaccines.

Imahe mula sa NTF

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio na nagsilbing host ng public briefing, kabilang sa mga misconceptions na ito ay nakasasama raw ang OVID-19 vaccine sa mga may hypertension.

“Sa pagpapatuloy po ng vaccination program ng pamahalaan ay may ilan pa rin pong mga kumakalat na maling impormasyon o misconception tungkol po sa bakunang kontra-COVID-19. Masama raw po ito para sa may mga hypertension at maaari pa umanong mauwi sa stroke. Para bigyan-linaw po sa usapin na iyan ay makakasama po natin ang presidente ng Philippine Heart Association at cardiologist na si Dr. Orly Bugarin at ang neurologist na si Dr. Alejandro Diaz,” wika ni Usec. Ignacio.

Sinabi ni Dr. Bugarin na walang matibay na ebidensya na may masamang epekto ang bakuna sa mga may high blood.

“So, talagang ini-encourage pa rin po namin ang ating mga kababayan, puwede ho kayong magpabakuna kahit po kayo ay may hypertension o may mga tinatawag na cardiovascular diseases,” anang doktor.

Maliban na lang daw kung ang blood pressure ay mahigit 180/120.

Imahe mula sa Medical News Today

“May mga pamamaraan po na puwede nating gawin para hindi nga po tumaas ang blood pressure bago bakunahan – iyon na lang po ang advice natin. Bago po bakunahan, two weeks before make sure po na kayo po ay nakapaghanda rin. Iyong gamot ninyo, iyong maintenance medications ninyo kung kayo po ay high blood sana po naiinom po ninyo,” sabi pa ni Dr.Bugarin.

Ipinayo naman niya ang pag-inom ng analgesics o paracetamol  kung sakaling may discomfort na maramdaman pagkatapos mabakunahan tulad ng lagnat at ‘yung sakit sa bahagi ng tinurukan ng karayom.

Imahe mula sa Watsons

“Nabanggit naman po that ito po iyong mga pangkaraniwang side effects ‘no, iyong pain sa site o kaya iyon nga po, iyong parang flu-like symptoms. So, wala naman pong problema kung tayo po ay iinom ng mga gamot upang maibsan po ito like kahit po simpleng analgesics lang po or iyong ating advice, paracetamol puwede naman po,”aniya.

Hindi ipinayo ni Dr. Bugarin ang pag-inom ng pain reliever dahil maari raw iyong magpataas ng blood pressure.

 

Source :

PCOO, Remate

Loading…