Pagkalat ng COVID-19 hindi bumagal; pagbaba ng bilang ng naitalang kaso artipisyal – DOH

Imahe mula sa PCOO
  • Nilinaw ng DOH na hindi pa rin bumabagal ang COVID-19 transmission sa bansa
  • Ito ay sa kabila ng mas mababang bilang ng new COVID-19 cases na naitala nitong mga nagdaang araw
  • Artipisyal lang umano ang pagbaba dahil maraming laboratoryo ang tumigil ng operasyon noong Holy Week

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa bumabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Sinabi ng ahensya na ang pagbaba ng bilang ng mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 infections ay artipisyal lamang.

Screenshot mula sa GMA video

Ipinaliwanag ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na masyado pang maaga para sabihin na ang ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR+ areas ang sanhi ng pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases nitong nagdaang mga araw.

Aniya, ang naitalang mas mababang bilang ng new COVID-19 cases ay dahil sa mga nagsarang laboratoryo nitong nagdaang Holy Week. Noon lang Easter Sunday ay 71 laboratories na umano ang hindi nag-operate na tiyak na makaaapekto sa bilang ng ire-report ng DOH sa mga darating na araw.

“Itong artificial na pagbaba ng mga kaso, ‘wag po nating isipin na bumabagal ang spread ng transmission natin. Hindi pa po natin makikita ang epekto nitong ginagawa nating ECQ until about two weeks from the time that we have ended the ECQ. So, we have to be clear on that so that people will continue to be cautious,” ani Usec. Vergeire.

Screenshot mula sa GMA video

Kasabay nito ay nakiusap siya  sa mga operators ng laboratoryo na huwag tumigil sa kanilang operasyon ngayong panahong ito dahil kakailanganin ang tamang bilang ng mga COVID-19 cases upang magsilbing gabay sa mga hakbang na gagawin ng pamahalaan.

Ngayong 4 PM, Abril 5, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,355 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Imahe mula sa DOH
Source :

GMA , PNA

Loading…