Pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila bumagal na, pero GCQ malabo pa

Imahe mula sa WebMD
  • Bumabagal na ang pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila
  • Bumaba na sa 0.93 ang reproduction rate ng COVID-19 na ang ibig sabihin ay less than 1 person ang nahahawahan ng isang carrier ng virus
  • Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng bagong kaso ng COVID-19 ay tila malabo pang luwagan ang community quarantine dahil puno pa rin ng mga pasyente ang mga pagamutan

Matapos ang ilang linggo ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ay nagkaroon na ng pagbagal ang pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research Group.

Screenshot mula sa Eagle News video

Sinabi ng grupo sa pinakahuling monitoring report nito na ang reproduction number (R0) ng COVID-19 ay bumaba sa 0.93 mula April 18 hanggang April 24. Katumbas ito ng 3,841 cases. Mas mababa ito ng 20% kumpara sa  naunang isang linggo.

Ipinapakita ng R0 kung gaano nakakahawa ang  karamdaman at ang 0.93 ay nangangahulugan na wala pang isang tao ang nahahawa sa bawat carrier ng coronavirus.

Sa kabila ng pagbaba ng daily COVID-19 cases, sinabi ni Dr. Guido David na premature pa para magdesisyon na ibaba ang MECQ sa GCQ.

“We saw a decrease in number of cases in NCR, but it’s not stable. We haven’t seen a sustained downward trend in the decrease in daily cases,” aniya.

Nagpahayag naman si Health Secretary Francisco Duque III na pabor siya na palawigin pa ng isa hanggang dalawang linggo ang umiiral na MECQ. Ito ay dahil patuloy pa ring puno ng mga pasyente ang mga pagamutan.

Screenshot mula sa GMA video

“Kung titingnan natin ang datos, tingin ko kinakailangan ipagpatuloy ang MECQ for another week or 2 dahil nga ‘yung ating health systems capacity ay hindi masyadong nag-i-improve pa sa ngayon. Patuloy pa rin na ilang siyudad ang may critical risk classification ang kanilang ICU capacity. Although may senyales na bumababa ang mga kaso sa Kamaynilaan, bumabagal ang bagong cases, may kataasan pa rin ang daily average cases natin for the last 2 weeks,” aniya.

Sa Martes, ika-27 ng Abril, ang IATF ay nakatakdang magpulong upang gumawa ng rekomendasyon  kay Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa community quarantine classification na ipatutupad sa NCR+ areas sa buwan ng Mayo.

Dating meeting ng Pangulo at IATF| Imahe mula sa PNA

Loading…