Pagtatayo ng mga istruktura sa mga isla sa West Philippine Sea iminungkahi ng AFP

Imahe mula sa NTF-WPS
  • Plano ng AFP na magtayo ng iba-ibang istruktura sa mga isla sa WPS
  • Kabilang sa balak itayo ay fisherman shelters, cold storage facilities at mga lighthouses o parola
  • Ang planong pagtatayo ng istruktura ay ipinadala na sa NTF-WPS na siyang gagawa ng pinal na desisyon sa rekomendasyon

Iminungkahi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang konstruksyon ng iba’t ibang istruktura sa mga isla sa West Philippine Sea sa layuning mas maproteksyunan ang teritoryo na inaangkin ng ibang bansa.

Imahe mula sa AFP

Ayon sa tagapagsalita ng AFP na si Major General Edgard Arevalo, ang mungkahi ay ipinadala na sa National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) na siyang gagawa ng pinal na desisyon sa rekomendasyon.

“’Yan po ay nagsisilbing mungkahi natin sa NTF-WPS at sila po ang magdedesisyon ultimately. Ang binabalak po natin ay magtayo ng istruktura,” pahayag ni Maj. Gen. Arevalo.

Ang proposal na magtayo ng mga istruktura sa WPS islands ay upang maseguro ang maritime at sovereign rights ng bansa gayundin ang fishing rights at kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino. Kabilang sa mga istrukturang balak itayo ng AFP ay ang mga gusaling mapagkakanlungan ng mga mangingisda, cold storage facilities at mga parola o lighthouses.

Sinabi naman ni AFP Chief of Staff Cirilito Sobejana ang dahilan kung bakit ngayon lang nagbabalak magtayo ng mga istruktura sa mga isla sa WPS at hindi noon pa.

“Kasi ang dahilan kung bakit hindi tayo nagtatayo diyan, nung araw kasi may napag-usapan na wala dapat magpatayo subalit yun ay nilabag ng China, kaya dapat tayo magpatayo na tayo starting now,” aniya.

Imahe mula sa PTV

Sinabi pa ng AFP chief of staff na patuloy nilang binabantayan ang mga Chinese vessels na nasa Julian Felipe Reef.

Aniya, hindi man nila  mapaatras ang mga iyon, sinisigurado umano ng AFP na ang mga Pilipinong mangingisda ay patuloy na makapangisda sa lugar at ang maritime protection program ng bansa ay hindi malabag.

 

Source :

Sunstar, GMA

Loading…