Pagudpud Beach pasok sa ‘Most Beautiful Beaches in the World’ ng US travel magazine

Saud Beach| Imahe mula vigantourism.com
  • Nakasama ang beach sa Pagudpud, Ilocos Norte sa listahan ng pinakamagagandang beach sa buong mundo ng isang US travel magazine
  • Hinangaan ang Saud Beach dahil sa mapuputing buhangin at malinis na dagat
  • Kahilera nito sa listahan ang magagandang beach sa Hawaii, The Bahamas, Grand Cayman at marami pang iba

Nakasama ang Saud Beach sa Pagudpud, Ilocos Norte sa listahan ng pinakamagagandang beach sa buong mundo ng isang New York-based travel magazine.

Sa inilabas na listahan noong Lunes, Abril 12, ng Travel + Leisure, nakabilang ang Saud Beach sa “25 Most Beautiful Beaches in the World.”

Screenshot mula sa Travel + Leisure

“If you’re searching for Southeast Asian beach bliss, super-mellow Saud Beach on the island of Luzon is a sure thing. Its white sand pitches gradually into the clear-as-glass water, like a real-world example of a zero-entry swimming pool,” ayon sa travel magazine.

“Swim in the peaceful waves, lunch under a thatch-roof cabana under the palms, or hire an outrigger for excursions on the water,” dagdag pa nito.

Ayon naman sa Exploratory Glory, ang Saud Beach sa Pagudpud ang tinaguriang ‘Boracay of the North’ dahil sa napakaputing buhangin at malinis na dagat nito.

Isa ito sa mga dinarayo ng mga backpackers at turista sa bandang Norte kapag summer at holiday.

Imahe mula sa Most Beautiful P;aces in the World

Samantala, kabilang din sa listahan ng Travel + Leisure ang Elafonissi Beach sa Crete, Greece; Hanalei Bay sa  Kauai, Hawaii; Copacabana sa Rio de Janeiro, Brazil; Clearwater Beach sa Florida; at Railay West sa Krabi, Thailand.

Nakasama rin dito ang mga nagagandahang mga beach sa Tanzania, Australia, Canary Islands, South Africa, Seychelles, Cape Verde, Balearic Islands, The Bahamas, Mauritius, Andaman and Nicobar Islands, Vietnam, Italy, Grand Cayman, French Polynesia, Turks and Caicos, at Portugal.

“Whether your personal beach style is rustic and remote or well-equipped and lively, our curated list offers a peek into some of the most beautiful beaches in the world,” ayon pa sa artikulo.

Loading…