Palaboy na natutulog sa ilalim ng tulay naging instant fashion model dahil na-late ang tunay na modelo

Imahe mula kay AL
  • Isang palaboy sa Nigeria na natutulog sa ilalim ng tulay ang naging instant fashion model
  • Gagawing backdrop sa isang photo shoot ang ilalim ng tulay pero na-late ang tunay na male model
  • Nakita ng creative director ang natutulog na palaboy at inalok ito na mag-modelo para sa kanya
  • Sinabi ng creative director na perfect ang skin tone, tikas at body structure ng palaboy

Hindi inaasahan ng isang palaboy na natutulog sa ilalim ng isang tulay sa Nigeria ang malaking pagbabago na mangyayari sa kanya. Dumating ang suwerte sa kanya dahil naroon siya sa lugar sa tamang pagkakataon.

Imahe mula kay AL

Nakilala ang palaboy na si Ali Olakunmi mula sa Yoruba ng Osun State ng Nigeria. Natutulog siya noon sa ilalim ng tulay sa Ikeja nang dumating doon ang isang creative director na napili ang ilalim ng tulay para gawing backdrop sa photo shoot na gagawin.

Habang hinihintay ang male model na na-late sa takdang oras ng photo shoot, napansin ng creative director na si Afolabi (AL) ang natutulog na si Ali.

Sabi ni AL, nakita niya kay Ali ang mga katangiang hinahanap niya sa isang modelo. Perpekto raw ang tikas, kutis at ang body structure ng palaboy. Inalok niya ito na maging modelo.

“I had a shoot today at Ikeja, while were waiting for the model to arrive, we decided to meet with a guy(ALI) who was sleeping under the bridge to model for us. I would like to believe that Ali was born for this . His pose, his body structure and his skin tone was perfect,” post ni AL sa Twitter noong April 2.

Imahe mula kay AL

Ang tweet ni AL at ang mga larawan ni Ali na suot ang magarang terno ay agad nag-viral. Lalo pang napukaw ang atensyon ng publiko nang lumabas ang TikTok video kung saan ipinakita na nilapitan ni AL si Ali habang natutulog sa ilalim ng tulay.

Loading…