Pamamahagi ng ayuda sa Taguig sinuspinde dahil sa mga galit na residenteng wala sa listahan ng SAP1 at SAP2

Imahe mula sa Taguig Unlimited Facebook page
  • Itinigil ng Taguig City government ang pamamahagi ng ayuda
  • Nagkaroon ng tensyon sa Barangay Upper Bicutan dahil sa mga residenteng wala sa listahan ng mga beneficiaries
  • Pahuhupain muna ang tensyon bago ipagpatuloy ang pamamahagi ng ayuda

Pansamantalang itinigil ng Taguig City government ang pamamahagi ng financial aid para sa mga lubos na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa tensyon mula sa mga galit na residenteng hindi nakasama sa listahan ng mga mabibigyan ng ayuda.

Imahe mula sa I Love Taguig Facebook page

Nagkaroon umano ng tensyon sa Barangay Upper Bicutan nang bantaan ng mga residenteng hindi mabibigyan ng ayuda ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan na nangangasiwa sa distribusyon ng financial aid mula sa national government.

Nilinaw ng city government na ililipat lang sa ibang araw ang pagbibigay ng ayuda. Pahuhupain lang umano ang tensyong namayani sa nabanggit na barangay.

“Upang humupa ang tensyon at ibalik ang kapayapaan, pansamantalang itinigil ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang pamimigay ng emergency relief assistance mula sa pamahalaang nasyonal sa Barangay Upper Bicutan. Ang iskedyul ng pamamahagi ay ililipat na lamang sa ibang araw upang masiguro ang kaligtasan ng mga kawani ng gobyerno at mga benepisyaryo,” post ng city government sa Facebook page na “I Love Taguig.”

Ang mga residenteng sumugod sa lugar ay wala sa listahan ng SAP 1 at SAP 2 (Social Amelioration Program).

Umapela ang city government sa mga residente na maging kalmado at respetuhin ang proseso na inilatag ng national government hinggil sa pamamahagi ng emergency financial assistance.

Imahe mula sa Taguig Unlimited Facebook page

Malinaw umano sa patakaran na binibigyang prayoridad ang mga nasa listahan ng SAP 1 at SAP 2. Susundan daw ito ng mga nasa vulnerable groups gaya ng PWDs at low-income individuals. Kung may matitira pa sa pondo ay bibigyan din ang iba pang lubhang naapektuhan ng ECQ.

Wala raw karapatan ang lokal na pamahalaan na magdagdag ng ibang kategorya na mabibigyan ng ayuda.

Screenshot mula sa video ng Taguig Unlimited

Loading…