Pamamahagi ng ayuda sisimulan na ngayong linggo – DSWD

Imahe mula sa PNA
  • Posibleng simulan sa Martes o Miyerkules ang pamamahagi ng ayuda
  • Nitong Lunes ay nakatakda nang ma-release ang pondo sa mga LGUs mula sa Treasury
  • Desisyon pa rin ng LGUs kung cash o in-kind ang ipamimigay na tulong

Maaaring simulan na ng pamahalaan ng pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang nasa NCR Plus kung saan ipinatutupad ang enhanced community quarantine simula noong Marso 29.

Sa pahayag ng isang opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sinabi nitong posibleng nitong Martes o Miyerkules nila sisimulang mamigay ng ayuda sa mga apektadong pamilya.

Nitong araw ng Lunes, Abril 5, raw kasi nakatakdang ma-relase sa mga local government units (LGUs) ang pondo mula sa Treasury.

Imahe mula sa DSWD

“Maaaring magsimula po iyong pamamahagi ng financial assistance bukas po or April 7, matapos na maibaba ngayon araw ng Bureau of Treasury ang pondo sa mga concerned local governments,” ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao.

Magugunitang inapruhaban ng Malakanyang noon nakaraang linggo ang P22.9-B na pondo para sa ayuda ng 80 porsiyentong residente ng NCR Plus.

BASAHIN: ‘Ayuda-in-kind’ na halagang P1,000 ipamimigay ng gobyerno ngayong ECQ

Nasa desisyon naman ng mga LGUs kung ang ipamamahaging tulong ay cash o in-kind, bagama’t maraming alkalde umano ang pabor na in-kind na lamang ito dahil kung saan-saan daw ginagastos ng mga tao ang pera.

Ayon kay Dumlao, sa bawat pamilya, makatatanggap ng tig-P1,000 kada isa ang hanggang sa apat na miyembro, o maximum na P4,000 per household.

Kapag cash ang ipamimigay, kailangang maipamahagi ito ng mga LGUs sa loob ng 15 araw, subalit kapag in-kind naman ay dapat ma-distribute ito ng hanggang 30 araw.

Imahe mula sa PNA

Kaugnay nito, nagbabala naman ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga maglalagay ng mukha, pangalan o imahe ng mga pulitiko sa ipamamahaging ayuda.

“The use of the ayuda for partisan political purposes for the 2022 national elections is strictly prohibited. The DILG will not tolerate the politicization of government aid or tolerate the practice when we see it or made aware of it,” ani DILG spokesperson USec. Jonathan Malaya.

Naglabas na rin ng guidelines ang ahensiya na siyang susundin ng mga LGUs oras na maibaba na ang pondo para sa pinansiyal ng tulong ng mga apektadong residente.

Source :

ABS-CBN News, RMN, PNA

Loading…