Pamamato sa restaurant ng kapitan sa Bulacan may kinalaman kaya sa “lugaw is not essential controversy?”

Screenshot mula sa Bulacan News Teleradyo video
  • Restaurant na pag-aari ni Kapitan Mar Gatchalian ng Barangay Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan pinagbabato ng dalawang ‘di nakilalang lalaki
  • Sa palagay ni kapitan ay walang kinalaman ang “lugaw is not essential controversy” sa pamamato
  • Ang hinala niya ay politika ang dahilan ng pangyayari

Basag ang salamin ng restaurant na pag-aari ng pamilya ni Kapitan Mar Gatchalian ng Barangay Muzon sa San Jose Del Monte, Bulacan matapos ang ginawang pamamato ng ilang kalalakihan na lulan umano ng isang van.

Imahe mula sa Balitang SJDM

Nasa barangay hall umano si Kapitan nang maganap ang insidente at nalaman lang niya ang nangyari nang tumawag ang isa sa mga anak niya.

Dalawang  hindi nakilalang  lalaki umano ang nakita ng anak niya na bumato sa kanilang restaurant at kinumpirma naman iyon ng isang guwardiya. Takot umano ang nararamdaman ng pamilya ni Kapitan dahil sa pangyayari.

Nang tanungin kung posibleng may kinalaman ang “lugaw is not essential controversy” sa pamamato, sinabi ni kapitan Mar Gatchalian na sa palagay niya ay wala iyong kinalaman.

“Wala po siguro ‘yan. Maliit na isyu lang naman ‘yun, eh. Iyon naman eh sa mga kina-curfew lang natin, eh. Nag-viral lang talaga dahil siyempre medyo nagkamali ‘yung tao ko sa pagsasalita. Palagay ko po walang kinalaman ‘yun dito,” sabi ni Kapitan.

Politika ang hinala niyang dahilan na posibleng nag-ugat umano sa plano noon na hatiin sa dalawa ang Barangay Muzon. Hindi raw pumayag ang Sangguniang Bayan na hatiin ang barangay. Nagalit daw ito sa kanya kaya inisyuhan ng cease and desist order ang proyekto ng barangay na magtayo ng  public cemetery.

Screenshot mula sa Bulacan News Teleradyo video

Inireklamo raw niya sa DILG ang Sanggunian dahil sa ginawa nito.

Simula noon ay may mga natatanggap na raw siyang banta.

Aniya, ihihinto na raw nila ang operasyon ng restaurant dahil sa banta sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

Imahe mula sa Balitang SJDM
Source :

Facebook, YouTube

Loading…